Monday , March 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Buwaya sa simbahan

Gud day,

Aq c Elmer nngnip aq ng kidlat tas ay tumkbo ako ng tumkbo ppunta s smbhan, then nagulat aq dhil may bwaya nman lumbas… ‘yun ang pngnip ko, pls ntrprt. Wag mo n lng llgay cp numbr q.. tnx!!

To Elmer,

Ang bungang-tulog ukol sa kidlat ay may kaugnayan sa sudden awareness, insight, spiritual revelation, truth at purification. Alternatively, ang kidlat ay maaaring nagsasaad ng shocking turn of events. Maaari rin na nagbababala ito na may forces na nakakasakop sa iyo na maaaring maging destructive at mag-alis ng kontrol mo sa iyong sariling buhay. Posible rin naman na simbolo ito ng irreversible changes na mangyayari sa iyong buhay, na magiging daan upang magpabago sa iyo.

Kung napanaginipan na ikaw ay nasa simbahan, ito ay maaaring nagpapahayag na ikaw ay naghahanap ng spiritual enlightenment at guidance. Alternatively, ito ay maaari namang may kinalaman sa pagkuwestiyon mo sa landas na tinatahak bilang pagrere-evaluate ng mga bagay na gusto mo talagang gawin.

Ang buwaya naman ay sumasagisag sa freedom, hidden strength at power. Nagbababala rin ito ng nakatagong panganib, may taong malapit sa iyo ang nagbibigay ng masamang advice at inuudyukan ka upang makagawa ng maling desisyon. Ang buwaya rin ay nagre-represent ng iyong conscious and unconscious pati na ang emotional at ang rational na bahagi ng iyong pagkatao. Ngunit, maaari rin namang nagpapakita ito ng kakulangan ng sincerity kaya hindi ka dapat basta-bastang magtiwala sa mga tao, lalo na iyong hindi pa lubos na kilala. Kung hinabol ka naman ng buwaya, maaaring babala ito sa pagdating ng disappointments sa pag-ibig, pati na sa negsoyo o pagkakaperahan.

Señor H.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sinelas.atbp

Sinelas.atbp sumasalamin sa diwa ng kasiningan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA and mga produktong iprinisinta ng Sinelas.atbp. na pag-aari ni Ms. Amelita Revilla noong Martes, …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

SM Waste-Free Future WFF

Take small steps for big change: SM Waste-Free Future illustrates doable actions for a cleaner, greener planet.

MANILA, Philippines – Becoming part of the solution toward better waste management practices has been …