Friday , January 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bungangera hinangaan ng mga BKs

Hinangaan ng mga BKs sa pagremate ang kabayong si Bungangera sa naganap na 2014 PHILRACOM “3rdLeg, Juvenile Fillies Stakes Race” nakaraang Sabado sa pista ng SLLP sa Carmona, Cavite .

Pagbukas ng aparato ay hindi gaanong maganda ang lundag ni Bungangera, kaya bahagyang napasaltak ang kanyang sakay na si Jeff Bacaycay. Habang papaliko sa unang kurbada ang mga nasa harapan ay natanaw sa monitor na nasa hulihan pa si Bungangera na nakontrol na ang renda.

Paglagpas ng medya milya ay sinimulan nang galawan ni Jeff ang kanyang dala at agaran namang nagresponde si kabayo, kaya habang nasa tapat ng tres oktabos ay dalawang kalaban kaagad ang kanyang nalagpasan.

Pagsapit sa ultimokuwarto o huling 400 meters ng laban ay biglaan silang nakalusot sa ikaanim na puwesto sa bandang gitna at animo’y nagsusumigaw ng “tabi kayo riyan, eto na ako”.

Pagsungaw sa rektahan ay nakatanaw si Jeff na maluwag sa gawing labas ng pista, kaya ipinuwesto niya sa pakanan si Bungarera. Sa pagkakataong iyon ay lalo pang nagalit at tumindi ang kamot sa pista ni Bungangera hanggang sa pagsapit ng meta ay nalagpasan nila ang nauuna ng kalaban na si Princess Ella ni John Alvin Guce.

Naorasan ang tampok na pakarerang iyan ng 1:28.6 (12’-23’-25-27’) para sa distanisyang 1,400 meters. Para sa kumpletong datingan mula sa tersera hanggang sa hulihan ay sina Imcoming Imcoming, Leona Lolita, Dolce Ballerina, Valley Ridge, Princess Meili, Hook Shot, Pusang Gala, Shout For Joy, Burbank, Enchanted at Pag Ukol Bubukol.

Congratulations sa owner niyang si Ginoong Alberto C. Alvina at sa trainer niyang si Ginoong Donnie Sordan. GOD Bless at more winnings to come sa inyong koneksiyon.

Fred Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …