NADAKIP nang pinagsanib na pwersa ng Mandaluyong Anti-Illegal Drugs Unit at agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang singer/rapper na si Joey Formaran o mas kilala sa kanyang stage name na Blak-dyak, sa inilunsad na anti illegal drug operations sa Sto. Rosario Street, Brgy. Plainview, Mandaluyong City.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac Jr., nahuli sa akto ng mga operatiba si Blak-dyak na sumisinghot ng shabu.
Kung maaalala, nito lamang buwan ng Hunyo nang nadakip din si Blakdyak nang magwala sa isang apartelle sa Imperial Street sa Cubao, Quezon City.
Pahayag ni Cacdac, ang pagkakahuli kay Formaran ay magsilbi sanang wake up call partikular sa mga kilalang persona-lidad na huwag hayaan na droga ang mangi-ngibabaw sa kanilang buhay.
Si Blakdyak ang nagpasikat sa mga awitin gaya ng “Goodboy,” “Lo Mabuti Pa Kayo Ni Lola,” “Modelong Charing,” at iba pa.
Lumabas din siya sa ilang pelikula gaya ng “Asin at Paminta” (1999), “Gangland” (1998), at “S2pid Luv” (2002).
Ed Moreno/Mikko Baylon