Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagong coach ng San Beda malalaman ngayon

HAHARAP ang buong koponan ng San Beda College sa pangunahing tagasuporta nilang si Manny V. Pangilinan sa victory party ng Red Lions mamayang hapon sa kampus ng San Beda sa Mendiola, Maynila.

Inaasahang babanggitin ni Pangilinan kung sino ang magiging bagong coach ng Red Lions para sa susunod na NCAA Season 91 kapalit ni Boyet Fernandez na head coach na ngayon ng NLEX Road Warriors sa PBA.

Isang source ang nagsabing pangunahing kontender para sa puwestong iiwanan ni Fernandez ay ang coach ng Batang Gilas na si Jamike Jarin.

Nakopo ng Red Lions ang ika-limang sunod na korona sa NCAA pagkatapos na pulbusin nila ang Arellano University, 89-70, sa Game 2 ng finals noong Miyerkoles.

“ Sana ay hindi pababayaan ng bagong coach ang mga players ko. I’m not at liberty to say who will replace me. I’m pretty sure that the new coach will continue the program,” wika ni Fernandez sa panayam ng DZSR Sports Radio noong isang araw.

Sasabak ang Red Lions sa Philippine Collegiate Champions League sa Cebu sa susunod na buwan habang ilan sa kanila ay lalaro para sa Hapee Toothpaste sa PBA D League.

Umakyat na sa PBA ang tatlong Red Lions na sina Anthony at David Semerad, kasama si Kyle Pascual.

Lalaro si Anthony para sa Globalport at si David naman ay sasabak sa Barako Bull habang si Pascual ay nakuha ng Kia Sorento.

James Ty III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …