Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arrest Warrant Welcome (Caloocan City councilors nagmatigas)

102514_FRONT

NAGPAHAYAG ng kahandaan ang mga opisyal ng Caloocan City na magpakulong kung kinakailangan kasunod ng banta ng paglalabas ng warrant of arrest ng korte dahil sa hindi pagbabayad ng lupa na binili ng lungsod para sa socialized housing noong 1996.

Ayon kay Majority Floorleader, 1st District Councilor Karina Te, nanindigan silang dapat pang hintayin ang desisyon ng Court of Appeals na magdedetermina kung magkano talaga ang halaga ng lupa taliwas sa napaulat na P134.6 milyon.

Batay sa ulat, anumang araw ay posibleng maglabas ng warrant of arrest si Caloocan RTC branch 125 Judge Dionisio Sison laban kay City Councilor Presiding officer, Vice Mayor Macario Maca Asistio III kaugnay ng kabiguang mabayaran ang 6,901 square meters property sa Bgy. 33, Maypajo na binili ni former Mayor Reynaldo Malonzo noong Agosto 1996.

Bukod kina Asistio at Te, kasama rin sa aarestuhin sina Councilor Auro Onet Henson, Dean Asistio, Susan Punzalan, Marilou Nubla, Jay Afrika at District 2 Councilors Carol Cunanan, Rose Mercado, Roberto Samson, Chito Abel, Tolentino Bagus, Allen Aruelo at Liga ng mga Barangay chairman Dale Malapitan.

Ayon sa mga konsehal, nagsimula ang problema nang itakda ni Judge Modesto Juanson sa P7,208 per square meter ang presyo ng lote noong June 2003.

Kinuwestiyon ng pamahalaang lokal ang pagtatakda ng huwes sa presyo ng lote gayong wala naman base sa presyohan ng mga property.

Umaabot sa P47 milyon ang kabuuang halaga ng lote noong 1996 pero tumaas sa P134 milyon kasama na ang interes.

Ang lupa ay nakarehistro sa Recom Realty Corporation.

“Hindi namin puwedeng bayaran basta-basta ang lupa, lalo na’t walang basehan kung paano umabot sa ganoong halaga,” sabi ni Te na tiniyak ang pakikipaglabang legal sa isyu.

“Higit sa lahat, pera ng mamamayan ng Caloocan ang aming pinoproteksiyonan kaya kailangan namin itong ipaglaban,” dagdag ng konsehal.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …