Friday , November 22 2024

Ang nakapagpapahamak na selfie ni Camnorte Gov. Tallado

KUNG maya’t maya ‘e tumataas ang libido, huwag nang ipagmalaki o ipagmayabang sa pamamagitan ng ‘SELFIE.’ Lalo na kung mga politiko.

Gaya n’yang pagiging SWEET LOVER ni Governor Edgardo Tallado (by the way, dati ka bang driver Gov. Tallado?) mantakin ninyong pinagtataksilan na si misis at nakabingwit ng 28-anyos na kabit ‘e ipinagmamalaki pa sa pagse-selfie?!

SONABAGAN!

Hitsurang sweet lover talaga.

Matindi rin talaga ang kakapalan ng mukha ni Governor. Taga-Libe-ral Party pa naman.

‘E kanino kaya naghihiram ng KAPAL ng MUKHA, ang gobernador na ‘yan?!

Sa kapal ng kanyang mukha, naisipan pang pagbintangan ang misis niya na nagpapakalat umano ng napakalalaswang larawan sa internet.

Kalat na kalat na ngayon sa Facebook ang laplapan este lips-to-lips ni Gob at ng lovey dovey n’ya na nakahubad pa.

Iba rin ang sex trip mo Gob?!

Wala rin ipinag-iba ‘yan do’n sa dating artista na bumukaka at nang lumabas sa media ‘e nagbanta pang magdedemanda.

‘Wag ganyan Gov.

Kapag ayaw na naeeskandalo ‘e huwag ipinagmamalaki at ipinagya-yabang ang kapalaluan nat kataksilan.

To the rescue pa si DILG Secretary Mar Roxas kay Gov ‘e dapat nga sampahan ng sandamakmak na kaso (immorality) ‘yan lalo sa Ombudsman.

Kung ang sariling pamilya ay dinudungisan at pinagtataksilan ni Gov. Tallado ‘e di lalo na ang sambayanan.

Mahiya ka oy!

Korporasyong ‘dummy’ ginamit rin ni Senator Bong Revilla?

HINDI lang pala si Vice President Jejomar Binay ang naiisyuhan ng paggamit sa korporasyong dummy.

Maging ang Senador na nakakulong ngayon dahil sa pagkakasangkot sa P10-bilyon pork barrel scam ay gumamit din umano ng korporasyong dummy upang itago o mailusot ang pangungurakot.

Ayon sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), gumamit ng dummy corporation si Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., para doon i-channel ang kanyang kickbacks mula kay Janet Lim-Napoles.

Sa cross-examination sa bail petition ni Revilla sa Sandiganbayan, kinompirma ni Atty. Leigh Von Santos na hindi gumamit ng aliases sa kanyang bank accounts ang senador.

Ngunit makaraan busisiin ang ginamit na Nature Concepts Development and Realty Corporation, nabatid na pag-aari rin ng asawa niyang si Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla ang nasabing kompanya.

Natuklasan na walang lehitimong negosyo ang korporasyon, bagay na lalo pang nagbigay ng negatibong impresyon sa mga imbestigador.

Sinasabing nagkaroon ng kabuuang P27 million deposito sa account ni Congw. Mercado-Revilla sa loob lamang ng isang buwan.

Naku, sasabit rin pala d’yan si Congw. Lani pag nagkataon!?

Habang umaabot sa kabuuang P87 million ang naipondo sa lahat ng iniimbestigahang bank account ng pamilya Revilla.

Ayon sa Senador, isang lehitimong realty corporation ang kinukwestyon at kaya nila itong patunayan.

Sinabi naman ni Atty. Joel Bodegon, may pagkakataon sila para baliktarin ang naturang mga pahayag ng AMLC at doon nila iisa-isahin ang kanilang mga kasagutan.

Sa ganang atin, ang kaso ni Senator Bong ay nakasalang na sa Sandiganbayan. Nasa proper venue na sila at doon hihimayain ang mga ebidensiyang pwedeng magdiin o mag-abswelto sa kasong kinasasangkutan nila nina Senators Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile, nina Gigi Reyes at Napoles.

Ito ‘yung sinasabing institutionalized na ang korupsiyon.

Kung tutuusin, sa Security and Exchange Commission (SEC)  at Bureau of Internal Revenue (BIR) pa lang ay mabibisto na kung ang isang kompanya ay dummy lamang at hindi totoong may ope-rasyon.

Pero dahil talamak na ang korupsiyon sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, kailangan munang sumampa sa korte ang mga kaso para doon mabusisi ang katotohanan.

Tsk tsk tsk …

Plaza sa Naic pinayagan ni Mayor lagyan ng pergalan!?

KA JERRY, garapalan ang ginawa ng operator ng pergalan dto sa Naic Cavite na sina Marte at Maricon.sa mismong plaza pa naglatag ng 10 lamesa ng sugalan. Ang mga kabataan nawalan na nang karapatang magamit ang Bagong Plaza sa poblacion ng Naic. Hanggang December 8, pa raw tatagal ang itinayong perya-sugalan sa Bagong Plaza ng Naic. Magkano kaya ang renta??? Chairman, mayor, hepe bakit kayo pumayag na ipagpalit ang Bagong Plaza sa mga demonyong lamesa ng co-lor games at dropballs? Kapitan Sonny Atienza , pakitulungan n’yo po ang PD ng PNP-Cavite si Col. Esquivel na buwagin ang salot na sugalan sa plaza ng Naic.

Force demolition sa Sitio Kubuhan Dasmariñas Cavite(Paging: Mayora Jenny Barzaga at Housing Czar VP Jojo Binay)

MAGANDANG araw po sir Jerry! Kami po ang mga taga-Sitio Kubuhan Dasmariñas Cavite na humihingi ng inyong tulong bilang kayo po ay nasa media. Kami po ay dumaranas ng kaguluhan at harassment mula sa isang kompanya na ‘di umano ay nagmamay-ari ng lupa na kinatiti-rikan ng aming mga tahanan. Noong March 26, 2013 isa po sa aming kasamahan ay 3 beses na tinabunan ng lupa gamit ang backhoe. (Ala-Maguindanao in Sitio Kubuhan sa youtube). Sa ngayon po 17 sa aming mga kasama ay kinasuhan na ng “unlawful detainer” at 6 po ang may kaso ng “grave coercion.” Sa kabila po ng usaping ito sa korte ang PA Alvarez Deve  po ay patuloy pa rin sa pagsasagawa ng mga hakba-ngin tulad ng aming dinaranas ngayon. Hinuhukay po ng backhoe ang lupa sa tabi ng bahay na sobrang lalim at napakadelikado na po para sa mga nakatira doon. Lalo na po ngayong panahon ng tag-ulan lumambot po ang lupa dahilan upang gumuho ang bakod ng isa sa mga nakatira roon.

40 na mga armadong guwardiya po ang ngayon po ay naka-deploy dito sa aming lugar at pawang mga de kalibreng baril tulad  ng automatic shotgun at 9mm.ang mas nakakalungkot pati pulis ng dasmarinas cavite na dapat sana ay magprotekta  at maglingkod sa taong bayan hindi sa iisang tao lamang  ay nagawa pang pamunuan ang isang demolisyon na naganap noong  Oct. 10 2014.  Limang (5) bahay po ang walang awa nilang giniba at isa po roon ay may mga batang natutulog, walang awa nilang tinanggal ang bubong. Gayung WALA silang dalang “court order.” Wala rin pong abiso na sila ay gigibain na sa araw na iyon . Nakiusap ang mga tao  sa pulis  na huwag munang gibain dahil wala pang malipatan ang sagot po ng pulis ay  ”pera-pera lang ang labanan dito.”

Nawa po ay mabigyan ninyo ng pansin ang aming abang kalagayan. Ayaw na po na-min maulit ang aming naranasan noong nakaraang taon. Kalakip po nito ang mga kuha sa aktuwal na kaganapan. Maraming salamat po at kami po ay umaasa na kami ay inyong matutugunan. GOD BLESS US ALL! Itago po n’yo email-add ko dahil delikado na po kami rito.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *