SINAGIP ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang walong kababaihan kabilang ang dalawang menor de edad sa entrapment operation kahapon ng madaling-araw sa isang resto-videoke bar sa Sta. Ana, Maynila.
Ayon sa ulat, ginagamit na ‘front’ ng prostitusyon ang naturang bar at inaalok ang mga parukyano ng panandaliang-aliw sa halagang P500 hanggang P1,000 bawat isang babae.
Habang dinakip ang may-ari ng bar na kinilalang si alyas Richard at limang empleyado na hindi pa binanggit ang mga pangalan.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa anti-human trafficking law ang may-ari ng establisimiyento at kanyang mga tauhan.
Pinipigil ngayon sa NBI ang kababaihan habang dinala na sa
Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga menor de edad.
L. Basilio