NATUTUWA tayo sa aksyon ng Korte Suprema laban sa kanilang batugang Judge. Kahit retired na ay hinahabol parin nila sa naging kapabayaan nito noong aktibo pa sa serbisyo.
Katulad nitong si retired Judge Benedicto Cobarde, dating presiding Judge ng RTC Branch 53 sa Lapu-Lapu City, Cebu, na nagretiro noong 2011. Pinagmulta siya ng Korte Suprema ng P100,000 dahil tinulugan niya ang 191 kaso na submitted for decision sa loob ng mandatory 3-month reglementary period ng walang balidong rason noong bago matapos ang kanyang termino.
Ibabawas ang multang ito sa kanyang retirement benefits. Kawawa naman…
But welcome news ito sa atin… warning narin sa mga Huwes na tatamad-tamad. Lalo’t may order din si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa mga Judge na bilisan ang pagresolba sa mga kaso sa kanilang sala para mabura ang palaging ibinabato sa kanilang salita na “justice delayed, justice denied!”
Pero CJ Sereno, paano naman ang mga kasong inaabot din ng mga taon at dekada sa inyong bakuran? Tulad lamang ng disqualification case against Erap bilang alkalde ng Maynila. Aba’y Enero 2013 pa po ito nakasampa sa inyong tanggapan. Nauna pa ito sa mga kaso ng DAP at PDAP. At ito nalang yata ang natitirang kaso na related sa election 2013? Kasabayan pa po ito ng kaso ni convicted rapist ex-Conggressman Romeo Jalosjos na nadesisyunan na last year.
Anyare sa Erap case, Chief Justice Sereno? Puwede rin ba kayo pagmultahin sa mabagal ding pagdesisyon sa kaso sa inyong bakuran, madam? Dapat magsilbi rin kayong modelo ng inyong mga Huwes, ‘di po ba? Pls. lang…
Sen. Trillanes, lawyers at media ‘di pinapasok sa ‘Hacienda Binay’
Nitong Miyekoles, sa Senate inquiry ng Sub-Blue Ribbon Committee tungkol sa kontrobersi-yal na Makati Parking Building, nagkasundo sina Senador Antonio Trillanes at ang umaakong may-ari ng iniimbestigahang Rosario, Batangas pro-perty na tinawag na “Hancienda Binay” na si Antonio Tiu na magsasagawa ng inpeksyon sa naturang lugar na may lawak na 350 ektarya.
Pero kahapon ng tanghali, nang dumating ang grupo ni Trillanes kasama ang kanyang lawyers at mga media ay hindi sila pinapasok. Puwede raw pumasok kung si Trillanes lang mag-isa. Ngek!
Hindi naman sira-ulo itong si Trillanes, kahit dating military official ito, na pumasok mag-isa sa loob. Eh kung bakbakan siya roon ng mga sekyu, sabihing nang-agaw ng baril. Patay! Hehehe…
Ano ba talaga ang mga laman ng lintek na ‘Hacienda Binay’ na ‘yan at ayaw ipasilip sa media?
Mabuti nalang at may helikopter na nag-aireal shot at nakunan ng larawan ang loob ng hacienda, kungsaan isa-isa pang itinuro ng ‘whistleblower’ na si Makati ex-Mayor Ernesto Mercado kung anu-ano ang nasa loob ng property na nagkakahalaga raw ng P1.2 bilyon!
Mga igan, kaya naman napasok sa imbestigasyon itong sinasabing Hacienda Binay ay dahil tini-trace sa Senate inquiry kung saan napunta ang pera na galing sa kickback o tongpats sa overpriced (P2.7-bilyon) Makati Parking Building na sinasabing higit P2 bilyon ang pagkagawa, gayung sa pagsuma ng mga eksperto sa pagtatayo ng mga gusali ay nasa P800 milyon lamang ito.
Subaybayan natin ang isyung ito dahil ang sangkot dito ay ang tatakbong presidente sa 2016 na si VP Jojo Binay. Siyempre! ayaw na-ting maghalal ng presidente na korap!!!
Wish natin na mapatunayan ni VP Binay na hindi siya nagnakaw sa 30 years nilang pag-hahari hanggang ngayon sa Makati City. Sana…
Pahabol: May nag-text sa akin bandang 3:00pm pinapasok na raw sina Trillanes at miembro ng media sa ‘Haciena Binay’. Good! Ano kaya ang kanilang natuklasan. Alamin…
For your info Pasay Mayor Calixto: Hinaing ng mga J.O.
– J.O. po ako ng Pasay City. Dati P14 taw sweldo namin sa isang buwan. Ginawa nalang itong P12 taw, pero ngayon ginawa na naman nilang P10 taw. Sa kontratang pinirmahan namin ay P12 taw, gawa yun ni C.E. at L.O. kasi marami silang pinasok na tao nila pero hindi naman nagtatrabaho. Kasi pag sumuweldo yung nga pinasok nila ay hati sila. Ganyan kawalanghiya yung dalawang yun. Kami ang apektado sa mga ginagawa nila. Alam kaya ni Mayor Tony Calixto yang mga ginagawa nila? Tsaka tatlong buwan at kalahati na po kaming hindi nasuweldo. Wala na nga kaming suweldo, nababawasan pa. Sana maaksiyunan ni Mayor Calixto ang problema na-ming ito. Sana makarating sa kanya ang lahat ng ito. Maraming salamat po. Huwag nyo nalang san ailagay ang numero ko. – J. O. ng Pasay City
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015
Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]
Joey Venancio