MINALIIT ng Palasyo ang pagbatikos ng ilang grupo sa hindi pagdalaw ni Pangulong Benigno Aquino III sa burol ng pinatay na Filipino transgender dahil pabor anila rito ang netizens.
Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., batay sa nakalap na impormasyon ng New Media Unit ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), tatlong porsi-yento lamang ang tutol sa pahayag ni Pangulong Aquino na hindi siya pupunta sa burol ni Jennifer Laude.
“You know, in general, I don’t attend wakes of people I don’t know. I find it—and I’m speaking for myself—I’m uncomfortable in trying to condole with people who don’t know me and… Parang how can I say that I really sympathize with their loss and have some relevant discussion with them on trying to assuage, ‘di ba, their loss at that point in time? If I know the person somehow or the person is close to me,” pahayag ng Pangulo kamakalawa sa annual pre-sidential forum ng Fo-reign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP).
Matatandaan, duma-law si Vice President Jojo Binay sa burol ni Laude na ayon sa netizens ay pamomolitika lang ng isang traditional politician.
Habang sinabi ni Coloma, hindi na kailangang maghayag ng pagkondena ang Palasyo sa pagpatay kay Laude kay US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton dahil umiiral ang proseso ng batas.
Rose Novenario
Fiance ni Laude irereklamo ng AFP sa German embassy
IREREKLAMO ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Marc Sueselbeck sa German Embassy at Bureau of Immigration (BI) kaugnay nang pagsampa sa bakod ng Camp Aguinaldo nitong Miyerkoles.
Magpapadala ng sulat ang militar para isumbong ang anila’y ‘misbehavior’ ng dayuhan sa pagtatangkang makita ang nakapiit na US Marine, sinasabing pumatay sa kanyang fiance na Filipino transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer.
Giit ng militar, nilabag ni Sueselbeck ang Presidential Decree No. 1227 kaugnay sa illegal na pagpasok sa ano mang military base sa Filipinas.
Bukod dito, isusumbong din ng AFP ang pagtulak ng German sa isang sundalong Filipino na humarang sa kanya.
Giit ng militar, “It is understood that any fo-reign nationals who visit the Philippines shall follow Philippine laws. The AFP will deal with the incident accordingly through proper channels.”
Nais maberipika ng AFP sa German Embassy ang tunay na ‘identity’ ni Sueselbeck at para makakuha ng background information tungkol sa kanya.
Seguridad ni Pemberton hinigpitan
MAS hinigpitan ng pa-munuan ng Armed For-ces of the Philippines (AFP) ang kanilang ipinatutupad na seguridad partikular sa bisinidad ng Kampo Aguinaldo na pinagkukulungan sa U.S. serviceman na si PFC Joseph Scott Pemberton, akusado sa pagpatay sa Filipino transgender na si Jeffrey Laude a.k.a Jennifer.
Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Lt. Col. Harold Cabunoc, nagkaroon sila ng security adjustments nang sa gayon hindi na maulit pa ang nangyari kamakalawa na inakyat ang bakod ng militar ng kapatid at fiance ni Jeffrey Laude nang sumugod sila sa kampo.
Fingerprint, DNA sample ng kano iginiit
NAGHAIN ng mosyon ang kampo ng pamilya ng Filipino transgender na si Jeffrey ‘Jennifer’ Laude sa Olongapo City Prosecutor’s Office para makunan ng fingerpint at DNA samples ang suspek na si Private First Class Joseph Scott Pemberton.
Sa inihaing Omnibus motion ng pamilya Laude sa pamamagitan ng kanilang abogado na si Atty. Harry Roque, hiniling nila na magpalabas ng subpoena ang piskalya para atasan si Pemberton na humarap sa itinakdang clarificatory hearing sa Nobyembre 5, para makunan ng fingerprint at oral swab.
Hiniling din nila na magpalabas ng subpoena ang piskalya na mag-aatas sa PNP Crime Laboratory na magpadala ng forensic personnel na kukuha ng fingerprint at oral swab mula kay Pemberton at isailalim ang mga sample sa kaukulang examination kasama na ang DNA Testing.
Naniniwala ang pa-milya Laude na ang pagsasagawa ng nasabing proseso ay hindi labag sa right against self-incrimination ng respondent batay na rin sa umiiral na Philippine jurisprudence.
Kung hindi anila makukunan ng DNA sample si Pemberton, mababalewala ang tissue sample na nakuha mula kay Laude at iba pang physical evidence na nakalap mula sa crime scene.
Beth Julian