Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis pinatay sa tabi ng ex-con na mister

LA UNION – Palaisipan sa mga awtoridad kung sino ang sumaksak sa isang misis habang na-tutulog sa kanilang bahay katabi ang kanyang asawa at anak kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktimang si Emilia Pacio, 50, residente ng Brgy. Anduyan, sa bayan ng Tubao, La Union.

Ayon kay Senior Insp. Benigno Sumaoang, hepe ng Tubao PNP, dakong12:30 a.m., natutulog ang biktima kasama ang asawa ni-yang si Bonie Pacio, ex-convict at anak nilang 10-anyos sa sala ng bahay nang biglang narinig ang isa pang anak na si Cris Anthony, 14, natutulog sa ikalawang palapag, ang sigaw ng kanyang ina na humihingi ng saklolo.

Nang bumaba siya ay nakitang tumatakbo pa-labas ng kusina ang du-guang biktima.

Hinabol ng binatilyo ang ina kasama ang kanyang ama ngunit naabutan nilang nakahandusay na sa kalsada ang biktimang may tama ng saksak sa tiyan at sa ibaba ng dibdib.

Napag-alaman, magpapatulong sana ang biktima sa kapatid niyang kapitbahay lamang nila.

Hindi na narekober ang kitchen knife na sinasabing ginamit sa pana-naksak.

Inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.

Iniimbestigahan din ang mister na sinasabing kalalabas lamang ng bilangguan ngayong taon makaraan masaksak ang isa nilang kamag-anak.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …