Kapag umabot sa 18 porsiyento ang pag-angat sa survey ni Mar Roxas ay maituturing na natin itong tabla kay VP Jojo Binay.
Ito ang obserbasyon ng mga political analyst sa bansa dahil halos lahat ng komisyoner sa su-sunod na taon ay appointed na ni PNoy at halos lahat daw ay inendorso ni Mang Mar na asawa ni Korina Sanchez.
Kung totoo ang balitang si Roxas ang nag-endorso sa mga bagong kauupong komisyoner ng Comelec ay dapat ngang kabahan dito si Binay dahil hindi naman maiiwasang lagyan ng malisya ang pagkakapuwesto nina Christian Lim, dating election lawyer nina PNoy at Roxas, Atty. Luie Tito Guia, dating pangulo ng Lente, isang election watchdog, Arthur Lim, dating pangulo ng Integrated Bar of the Philippines at isa sa mga abogado sa impeachment ni dating chief justice Renato Corona at Al Parreno, dating member ng LTFRB board.
Sa susunod na taon sa buwan ng Pebrero ay tatlo pang bosyo ng Comelec ang nakatakdang magretiro at ito ay sina Komisyoner Lucenito Tagle, Elias Yusoph at Chairman Sixto Brillantes.
Tiyak na lahat ng malisya at pagdududa ay gagawin ni Binay dahil ang pitong miyembro ng komisyon na hahawak at magmamando sa 2016 election ay pawang itinalaga ni PNoy na supporter at endorser ni Roxas.
Malinaw na papalapit ang pag-angat ni Ro-xas kay Binay dahil sa nangyayaring demolition job sa pangalawang pangulo at iyan siguro ang biggest factor sa ngayon kung bakit umaangat si Roxas sa rating game.
Pero hindi rin maiikukubli sa malisyosong isip ng madla ang madyik dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang hinala na ginagawan na nang paraan para manalo si Mar sa pagpeprepara ng halalan pa lamang hanggang sa resulta ng election 2016.
Ganito na ngayon mag-isip ang kampo ni Binay dahil kung noong dati ay sang-ayon siya sa PCOS, umaangal na ngayon si Nognog dahil alam niya ang kakaya-han ng mga bagong talagang komisyoner ng Comelec.
Kitang-kita rin sa ikinikilos ni PNoy na nilalaglag na niya si Binay at iyan ang dobleng nagpapahirap kay Rambotito dahil alam niya ang kakayahan ng isang pinuno na naka-pwesto para gawin ang lahat manalo lamang si Roxas.
Alvin Feliciano