Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hannah Espia, posibleng pagselosan ni Toni?

MABUTI at ‘di pinagseselosan ni Toni Gonzaga ang pagiging malapit ng boyfriend n’yang si Paul Soriano sa maganda at bata pang filmmaker na si Hannah Espia.

“My life changed when I met her!” pagtatapat ni Paul kay John “Sweet” Lapus noong 11th Golden Screen Awards sa Teatrino, Sabado ng gabi. Si Hannah ang tinutukoy ng boyfriend ni Toni.

Tiyak na malapit si Paul kay Hannah dahil siya ang producer ng pelikulang Transit na idinirehe ni Hannah na nagwaging best director noong gabing iyon (bukod pa sa Best Picture-Drama, na siyang dahilan kung bakit iniinterbyu ni Sweet si Paul bilang producer).

Dahil siguro sa tunog, napakadisenteng tao ni Paul kaya ‘di naisip ni Sweet na balahurain ito. Hindi n’ya biniro ang guwapong producer-director (na apo ng matinee idol noon na si Nestor de Villa) na baka si Hannah ang dahilan kaya hindi ito nagmamadaling pakasalan si Toni gayong pitong taon na pala ang relasyon nila.

Pero naitanong din naman ni Sweet kay Paul kung nagpaplano na sila ni Toni na magpakasal. At ang sagot ng binata ay “oo naman kahit paano” bagamat ‘di pa seryoso ang usapan. Alam naman daw n’yang enjoy na enjoy at abalang-abala pa si Toni sa career n’ya.

Si Paul din naman ay abala bagamat pinasok na rin n’ya ang pagpoprodyus, ipagpapatuloy pa rin n’ya ang pagdidirehe ng pelikula.

Si Hannah ang nagwaging best director. Nang kapanayamin siya ni Sweet, hindi naalala nito na kalkalin ang lovelife ng magandang direktora na 26 years old pa lang. Actually, unang full-length movie pa lang n’ya ang Transit.

May script na rin naman siya para sa susunod n’yang pelikula na ilalako (ipi-pitch, sa bokabularyo ng filmmakers) pa lang n’ya for funding sa isang international filmmakers organization.

Danny Vibas

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …