CAGAYAN DE ORO CITY -Inabswelto ng pulisya ang limang suspek na inakusahan ng pagmolestiya sa 19-anyos kolehiyala sa loob ng bar sa Brgy. Carmen sa lungsod ng Cagayan de Oro.
Inihayag ni Senior Insp Ariel Philip Pontillas, hepe ng Macasandig Police Station, batay sa kanyang nakita sa footage mula sa CCTV camera, hindi totoo na pinagtulungan ng mga suspek ang babae taliwas sa iginiit ng ama ng biktima.
Sinabi ni Pontillas, imposibleng may nangyaring pananamantala dahil naganap ang tinatawag na “mutual activity” na nagpapalitan ng halik ang biktima at ang lalaking nakita sa CCTV.
Nilinaw rin ng opisyal na malayo sa katotohanan ang sinabi ng ama ng biktima na “binaboy” ang babae ng tatlong mga opis-yal mula sa provincial government ng Misamis Oriental, isang negosyante at isa pang empleyado mula sa city government ng Cagayan de Oro.
Inamin din ni Pontillas na parang hindi na rin interesado ang kampo ng biktima na sampahan ng kaso ang mga suspek.
Una rito, iginiit ni dating Lagonglong Mayor Clint Puertas, Misortel General Manager Fernando Dy Jr., Pealez Sports Center General Manager Gregorio Sabal III, Oliver Velasco at June Paglinawan na wala silang nagawang krimen taliwas sa iginiit ng biktima.
Ang biktima ay dating beauty queen at sangguniang kabataan (SK) federation president sa lalawigan sa Bukidnon.
Napag-alaman, maging si Misamis Oriental Governor Yev-geny Vincente “Bambi” Emano ay ipinag-utos din ang internal investigation upang mapanagot ang mga suspek sakaling may katotohanan ang nasabing akusasyon.