Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 tulak arestado sa P12-M shabu

ARESTADO ang apat bigtime drug pusher at nakompiskahan ng P12 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Taguig City Police at Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) kahapon ng madaling araw sa Taguig City.

Kinilala ang mga suspek na sina Larex Pepino, lider ng grupo; Jayborn Ruira, Jahar Radin, at Nelson Conarco, pawang mga residente sa Bayani Road, Brgy. Western Bicutan ng nasabing lungsod.

Ang mga suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Law) sa Taguig City Prosecutor’s Office.

Sa ulat ni  Inspector Michael Salmingo, dakong 1 a.m. nang isagawa ang buy-bust operation sa nabanggit barangay.

Nagpanggap ang isang pulis na bibili ng ng 400 gramo ng shabu sa halagang P500,000 at nang maging positibo ay agad inaresto ng mga awtoridad ang mga suspek.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …