Wednesday , December 25 2024

Roxas kay Binay: “Tigilan na ang squid tactics!”

PATULOY ang pagbulusok ng popularidad ni Vice President Jejomar Binay sa iba’t ibang survey. Kahit nais na siya ng publiko na humarap sa Senate Blue Ribbon sub-committee sa pamumuno ng dati niyang kasangga na si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III, todo iwas siya na dumalo sa pagdinig.

Para kay Sen. Koko, hindi hahatulang “guilty” si Binay kaugnay ng mga paratang na mayroon itong tago at hindi maipaliwanag na yaman pero hinamon niyang dumalo ang VP sa pagdinig sa Oktubre 30 kaugnay ng papel nito sa overpriced na Makati Parking building.

Sabi nga ni Sen. Koko: “Kung hindi tinanggap ang imbitasyon namin, wala kaming negative presumption na guilty siya. Pero kapag dumating siya, he will be placed under oath.”

Hinggil naman sa alegasyon ni Binay sa isang press conference na si DILG Secretary Manuel “Mar” Roxas III ang nasa likod ng “Oplan Nognog” ay napilitang sumagot ang kalihim.

Nilinaw ni Roxas na abala siya sa pagtatrabaho batay sa direktiba ng Pangulong Aquino dahil gusto niya lalong iangat ang performance ng Philippine National Police (PNP) kaya wala siyang panahon sa conspiracy theories. Iginiit niyang mas abala siya sa gawain sa DILG dahil ang krimen at kalamidad ay maaaring mangyari anumang oras kaya kailangan na laging handa ang sambayanan “24/7” o beinte kuwatro oras sa pitong araw.

Ilang punto ang idiniin ni Roxas sa paratang ni Binay:

*Wala po akong kinalaman dito. Ang nangyayari po, ginagamit lang ni VP ang pangalan ko para iwasang humarap sa mga akusasyon, at naghahanap siya ng ibang kakain ng atensiyon ng publiko. Squid tactics po ang tawag dito: ang layunin, padilimin at palabuin ang tubig, ang usapan, para makatakas.

*Huwag naman po sana tayong gamitin ni VP para palabasing politika lang ang mga akusasyong lumalabas sa Senado. Kung may maipapayo nga po tayo: Ang pinakamainam po rito ay humarap na lang siya sa mga nag-aakusa sa kanya, at kung wala naman po siyang maling ginawa ay wala rin siyang dapat ikatakot. Ang sabi nga po ni Pangulong Aquino, lalabas at lalabas naman kung ano ang totoo.

*Ang mga Senador na naghahanap ng katotohanan dito, pati si Justice Secretary Leila de Lima, ay may sariling isip at paninindigan. They are not puppets, and they don’t take orders from me. Ang sabi nga ni Pangulo tungkol sa Senado: Minsan, para silang 24 independent republics — may sari-sariling mga pananaw. It’s not easy to herd these independent-minded people along a single agenda, much less involve them in a so-called political conspiracy.

*Ididiin ko na lang po ang sentimyento ng nakakarami sa ating mga kababayan: Mr. Vice President, just answer the allegations and tell the truth. ‘Yun lang naman ang pinakamainam na solusyon sa kahit anong alegasyon ng katiwalian. Pero siguro nga, dahil sa bigat ng isyu na kailangang harapin, namimilipit na siya sa kakahanap ng palusot. Sabi nga nila: Kapag may usok, may apoy.

*Tama na ang mga conspiracy theory at squid tactics, Mr. Vice President. The best way to lay these allegations to rest is to just come out in earnest with the entire truth. Wala pong nararating ang pagtuturo o pagdadawit sa pangalan ko dito. Gaya nga po ng sabi ng matatanda: Kapag nagturo ka ng kapwa, may tatlong daliring sa iyo nakatutok.

Ariel Dim Borlongan

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *