Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pemberton ikinulong sa Camp Aguinaldo

MULA sa USS Peleliu, inilipat na si US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton sa Camp Aguinaldo kahapon ng umaga.

Si Pemberton ang itinuturong suspek sa pagpaslang sa Filipino transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer.

Dakong 8:45 a.m. nang dumating sa kampo ang akusado kasama ang ilang security lulan ng chopper at idiniretso sa Joint US Military Assistance Group (JUSMAG).

Sa press conference, hindi iniharap ang US Marine ngunit kinompirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gregorio Pio Catapang Jr., nasa kampo na ang sundalo.

Pansamantala aniyang idedetine si Pemberton sa Mutual Defense Board-Security Engagement Board (MDB-SEB) facility sa Camp Aguinaldo habang dinidinig ang preliminary investigation sa kasong murder.

Sinabi ni Catapang, isang 20 footer van na may aircon at military cot bed ang magsisilbing kulungan ng US Marine.

Joint security o magtutulungan ang Filipinas at Amerika sa pagbabantay kay Pemberton.

Dalawang US Marine – isa sa loob ng selda at isa sa labas – at apat na sundalong Filipino ang magbabantay sa suspek.

(HNT)

Kahit nasa Camp Aguinaldo kustodiya ni Pemberton mananatili sa US

NILINAW ni U.S. Ambassador to the Philippines Philip Goldberg, nananatili pa rin sa kustodiya ng Amerika si PFC Joseph Scott Pemberton kaugnay sa pagpatay sa Filipino transgender sa Olongapo City.

Ito’y makaraan ilipat ng kulungan si Pemberton sa loob ng Kampo Aguinaldo kahapon.

Sa twitter account ni Ambassador Goldberg kanyang sinabi “ Alleged suspect in Camp Aguinaldo remains in U.S. custody with Philippine cooperation”.

Sa kabilang dako, inihayag ng U.S. Embassy na ang paglipat kay Pemberton sa Camp Aguinaldo ay naaayon sa U.S.-Philippine Visiting Forces Agreement (VFA), at ang United States ay may karapatan na panatilihin ang kustodiya sa suspek hangga’t matapos ang judicial proceedings.

“The bilateral and military alliance between the Philippines and the United States is strong. The VFA is a key part of that relationship, and the United States plans to continue to work closely with the Philippine government to help ensure justice is served and the rights of all persons are protected,” pahayag ng U.S. Embassy.

 Special treatment binatikos ni Miriam

DESMAYADO si Senador Miriam Defensor Santiago sa hindi patas na trato ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa isyu ng kustodiya kay PFC Joseph Scott Pemberton, suspek sa pagpaslang sa transgender woman na si Jeffrey Laude a.k.a Jennifer sa Olongapo City.

Nabatid na dinala na sa Kampo Aguinaldo si Pemberton ngunit mga kapwa Amerikano pa rin ang nagbabantay imbes na ipagkatiwala lamang sa mga sundalong Filipino ang palibot o premises na kanyang kinalalagyan.

Sa pagtatapos ng hearing ng Senate foreign relations committee kaugnay ng pagpaslang kay Laude, tahasang sinabi ni Santiago na hindi talaga papayag ang Amerika na hindi mabigyan ng special treatment si Pemberton.

“He arrived thru helicopter, he is shielded from the reaction from public to him, biglang nilagay sa airconditioned room, mga gwardiya mga kapanalig niya, mga kababayan niya, may gwardiya na tayo pero wala silang tiwala, eh sariling bansa natin to ah, hindi ito Amerika!,” ang diretsahang pahayag ni Santiago.

Binigyang diin ng senadora na hindi dapat maging ganito ang trato ng VFA sa dalawang bansa dahil tipong tayo ang api pagdating sa paghingi ng kustodiya ng Amerikanong nakagawa ng karumal-dumal na krimen.

Bunga nito nagdesisyon ang senadora na buhayin muli ang kanyang resolusyon na limang taon na ang nakararaan, na nag-aatas na magkaroon ng renegotiation sa VFA o kung hindi man ay tuluyan na itong ibasura dahil kulang ang pakinabang dito ng mga Filipino.

Cynthia Martin/Niño Aclan

No VIP treatment – Aquino

TINIYAK ni Pangulong Pangulong Benigno Aquino III na hindi binibigyan ng ‘special treatment’ ng kanyang administrasyon ang suspek na si US Marines Private First Class Joseph Scott Pemberton sa pagpaslang sa transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer sa Olongapo City.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag kasunod nang paglipat kay Pemberton sa Mutual Defense Board Security Engagement facility sa Camp Aguinaldo at naka-detine sa isang 20-foot air-conditioned container van habang isinasagawa ang preliminary investigation kaugnay ng pagkamatay ni Laude.

Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …