Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NU may bonggang victory party ngayon

ISANG masayang selebrasyon ang gagawin ng National University ngayong gabi bilang pagdiriwang sa pagiging kampeon ng men’s basketball sa UAAP Season 77.

Gagawin ang street party sa kampus ng NU simula alas-6 ng gabi at nakatakdang isara ang ilang mga kalye na malapit sa bandang MF Jhocson Street sa Sampaloc, Manila.

Bukod sa men’s basketball, kasama rin sa selebrasyon ang mga atleta ng women’s basketball, men’s beach volleyball, women’s tennis at cheerdance na nagkampeon din sa UAAP.

“We will honor the athletes,” wika ng UAAP board representative ng NU na si Nilo Ocampo. “May mga pagkain, a combination of free and something you can also buy, may mga bands. Darating din ang mga alumni.”

Idinagdag ni Ocampo na walang gagawing bonfire sa selebrasyon ng NU di tulad ng ginagawa ng Ateneo at UP.

“Takot kami mag-bonfire kasi baka masunog ‘yung campus namin,” ani Ocampo. “Wala kasi kaming soccer field katulad ng Ateneo. Pero may party dito. Ang alam ko, dapat may fireworks pero maraming limitations dito dahil malapit kami sa Malacañang.”

Naging guest din ang Bulldogs sa mga programang Showtime at Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN at ngayong umaga ay magiging panauhin sila sa Unang Hirit ng GMA 7.

Nagkampeon ang NU sa UAAP pagkatapos na tambakan nito ang FEU Tamaraws, 75-59, isang linggo na ang nakaraan.

James Ty III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …