Gndang gabi po,
Ttnong ko s inyo Señor, vkit ko kya nppnagnpan ko yung x-BF ko po, bbla kaya ito o my mensahe? Kse po hindi ko nman cya iniisip dhil focus ako ngayon s studies ko, sna mtugnan nyo itong txt ko po wait ko ito s HATAW Señor wag mo po llgay cel # ko, God bless s u, I’m Madel
To Madel,
Maaaring ang rason nito ay dahil may pagtingin ka pa rin sa dati mong kasintahan. Kung madalas kasi siyang laman ng iyong isipan, natural lang na malaki ang posibilidad na mapanaginipan mo siya. At ang malamang na dahilan kung bakit siya laging nasa isip mo ay dahil may damdamin ka pa rin sa kanya. Subalit, maaari rin namang kaya sumagi siya sa panaginip mo ay dahil sa mga bagay na nag-trigger kaya siya lumabas sa iyong bungang-tulog. Ang mga halimbawa nito ay ang makita mo ang dating larawan ng iyong ex, maalala o makita ang dating regalong galing sa kanya, ma-meet o maalala mo ang mga dating kaibigan o kakilala ninyo, ang mapagawi ka sa lugar na madalas ninyong puntahan noon, ang marinig ang dating themesong ninyo at mga katulad nito. Kung ganito ang sitwasyon, walang dapat ipag-alala dahil iyon ang rason kaya mo siya napanaginipan. Maaaring ito’y babala rin na ang dating kabiguan at sakit na sinapit o naranasan sa kanyang piling ay posibleng mangyari ulit ngayon. Ang anumang natutunan sa iyong pakikipagrelasyon sa kanya ay dapat mong i-apply sa sakaling magkaroon ka ulit ng boyfriend upang hindi na maulit ang kabiguang naranasan dati. Dapat mong ma-satisfy ang iyong emotional needs at ang inner turmoil ay maresolba.
Ngunit mas makakabuting mag-focus ka nga sa studies mo bilang paghahanada sa iyong kinabukasan. Saka mo na lang isipin ang ukol sa pagbo-boyfriend kapag graduate ka na ng college at may matatag ng trabaho.
Señor H.