Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis ni Tallado tumakas ‘di kinidnap (Retrato, sex video ni Gov at kabit kumalat sa internet)

HINDI dinukot kundi kusang nagtago ang asawa ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado.

Noong Oktubre 17 ng hapon, huling nakita si Ginang Josefina Tallado kasama ang kaibigang si Darlene Francisco na sumakay sa isang kotse papuntang Brgy. Tres, Vinzons, Camarines Norte. Ngunit ang Toyota Fortuner na ginamit nila ay natagpuang abandonado sa Brgy. Napolidan, Lupi, Camarines Sur kinabukasan.

Higit apat na araw mula nang ilunsad ang paghahanap sa dalawa kasunod ng emosyonal na pangungulila ng gobernador, lumutang sa ABS-CBN News ang ginang, si Francisco at abogadong si Lorna Kapunan.

Paglilinaw ni Josefina Tallado: “Kaya po ako narito para linawin na hindi po ako nawawala at hindi po ako na-kidnap. Ang totoo pong pangyayari ay kusa akong umalis o tumakas ako sa bahay namin kasi alam kong hindi na ako safe sa sarili kong tahanan.”

Ayon sa misis ng gobernador, nagsimula ang gulo sa isang naka-post na hubad na litrato sa Facebook ng isang babaeng “kasalukuyang kinalolokohan” aniya ng kanyang asawa. Ito aniya ang naging mitsa ng kanilang away dahil siya ang pinagsuspetsahan ng gobernador na nag-post ng larawan.

Itinanggi ni Josefina na siya ang nag-post ng nasabing larawan.

Pinasinungalingan din ni Josefina na may hawak siyang kopya ng sex vi-deo ng gobernador at ng kanyang kalaguyo.

Miyerkoles nang komprontahin si Josefina ni Gov. Tallado at nakita niyang may nakasukbit na baril sa likuran nito kaya tumindi ang kanyang takot..

“‘Yun na po ‘yung alam kong baka anytime patayin niya ako or dahil sa bugso ng kanyang galit,” pahayag pa ng ginang sa pag-aming ito ang unang beses na pinakitaan siya ng baril ng mister.

Kwento ni Josefina, pinalabas niyang kinidnap siya dahil “wala na po akong ibang matatakbuhan, talagang kumbaga laban ko ito. Alam kong mahirap kasi makapangyarihan si governor.

“Sa Camarines Norte, wala akong ibang pwedeng asahan kahit kapulisan lahat kontrolado niya.”

Kaya nagdesisyon siyang umalis ng bahay kasama si Francisco.

(HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …