PINANGARALAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang media upang maging mas masigasig sa panga-ngalap ng mga impormasyon para maging makatotohanan at patas ang ulat sa publiko.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa annual presidential forum ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (Focap) sa Pasig City kahapon.
“When reporting on different matters, it is my hope that you could perhaps exert more effort in defining the problem and describing the situation accurately: If there was a crime committed, for instance, then we must be clear about the facts, and the motivations of the culprit so that the problem is indeed solved,” aniya.
Hindi tulad aniya ng sitwasyon noong panahon ng batas militar, ‘di hamak na mas malaya na ang pamamahayag sa ngayon.
“The situation has changed: We no longer live in a country where the media is muzzled, or where the government tries to impose its will on journalists,” dagdag niya.
Sa katunayan aniya, mas aktibo na ang pa-mahalaan sa pagtugis sa mga responsable sa extra-legal killings, gayondin sa mga suspect sa media killings.
Kitang-kita aniya ang pagpupursige ng gobyerno sa pagdakip ng awtoridad sa high-profile suspects, kasama si retired military general Jovito Palparan dahil sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao. Rose Novenario