Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gwardiya sa Bilibid itinumba ng hired killer

NAPATAY ang isang prison guard sa New Bilibid Prisons (NBP) makaraan pagbabarilin ng 28-anyos hinihinalang “gun for-hire” habang nagpapa-car wash sa Muntinlupa City kama-kalawa ng hapon.

Namatay noon din sanhi ng ilang tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si PG1 Gerard Severo Donato, nasa hustong gulang, at kawani ng Bureau of Corrections sa Poblacion, Muntinlupa.

Habang kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si R-Jay Pa-kinggan, 28, construction worker, at nakatira sa 119 Paliparan Road, Bgy. Sa-lawag, Dasmarinas, Ca-vite.

Naganap ang insidente dakong 4: 30 p.m. sa National Road, tapat ng Arthur-Lian Auto Detailing, Putatan, Muntinlupa.

Batay sa imbestigas-yon, nakatayo ang biktima habang hinihintay ang kotseng ipina-car wash nang lapitan ng suspek at ilang beses siyang pinaputukan.

Makaraan ang krimen, naglakad patakas ang suspek nang may dumaang mobile car lulan sina PO3 Hernel Cullamco at PO1 Mark Anthony Austria na nagresponde kaya naaresto ang salarin.

Samantala, nakatakas ang kasabwat ni Pakinggan lulan ng motorsiklo na ayon sa suspek ay kilala lamang niya sa pangalang Barok at nakatira rin sa kanilang lugar sa Dasmariñas, Cavite.

“Sinundo lamang niya ako sa construction site na pinagtratrabahuan ko at inutusan ako na may ipapapatay siya (Barok) sa akin. Bibigyan daw ako ng P20,000 at hati kami. Natakot ako sa kanya at sumama ako at nang makarating kami sa lugar ibinaba ako ni Barok sa motorsiklo at ibinigay sa akin ang baril na ga-gamitin ko saka itinuro niya ang papatayin ko ayon sa deskprisyon na ibinigay sa akin,” salaysay ng suspek.

Manny Alcala

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …