Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-parak, 1 pa kinasuhan ng murder

SINAMPAHAN ng kaso ang suspek sa pagpatay sa isang sales consultant ng Chevrolet company na binaril sa Quezon City.

Sinampahan ng kasong murder sa Quezon City Prosecutors Office ang mga suspek na sina Joey Juanta, dating pulis, at Alvin Fernando, residente ng Samarpa Compound, Villa Beatriz Street, Brgy. Old Balara, Quezon City.

Ang mga suspek ay ipinagharap ng reklamo ni Andrea Rodillas, 47, may-asawa, domestic helper, ng 296 Tabayoyong Street, Banuar Laoac, Pangasinan, ina ng biktimang si Raymond Rodillas, 27-anyos.

Nabatid sa ulat, binaril at napatay ang biktima noong Abril 16, 2014 dakong 1 a.m. sa harap ng kanyang bahay sa 91 North Zuzuarregui Street, Brgy. Holy Spirit ng lungsod.

Kahapon, humarap kay Quezon City Assistant Prosecutor Ulric Badiola ang ina ng biktima at ang nag-iisang testigo sa kaso na si Jonathan Rivera.

Ikinanta ni Rivera na ang dating pulis na si Juanta ang siyang gunman at ang naging utak ng krimen ay si Fernando.

Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …