Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco Martin at Bench, parehong kapuri-puri

MAGANDA ang naging learnings ng nakaraang kontrobersiya ng The Naked Truth sa maraming tao at sektor.

Sa part ni Coco Martin, isa sa mga endorser ng Bench, inamin nito na naging mas responsable siya bilang endorser. Na aniya, hindi kailanman dapat may matapakan sa anumang gawin niya kaugnay sa pag-iendoso ng produkto.

Like a true gentleman, inako ni Coco ang responbilidad sa nangyari. Isang bagay na ikinahanga sa kanya ng tao.

Sa parte ng Bench, nangako ito na mas magiging responsable sa kanilang future production. Hahangaan mo ang Bench na mabilis ang kanilang aksiyon sa women’s sector na hindi sinasadyang na-offend nila.

Mataas ang respeto ng Bench sa sektor ng kababaihan.

Kamakailan, finally ay nagkita sina Coco at Bench owner Bench Chan. Ito ang unang pagkakataon na nagkita sila after the controversy. Bagamat simula pa man ay mayroon nang exchange of messages between Coco, his management and Ben.

Hahangaan mo rin ang humility ni Ben Chan. Simula pa man ay aware na si Ben na kailangan niyang depensahan si Coco bilang isang endorser ng kanilang produkto. Ipinaramdam ni Ben ang mataas na respeto kay Coco bilang parte ng kanyang Bench family.

Patuloy ang magandang samahan ng Bench at Coco. Isa ito sa masasabing ideal relationship ng endorser at ng may-ari ng kompanya.

Kasabay ng meeting nina Coco at Ben ay ang photo shoot ng aktor para sa Holiday campaign ng Bench. Kaabang-abang ang holiday campaign ng Bench na magsisimula ngayong November.

Speaking of Coco, isang malaking celebration ang magaganap kaugnay ng birthday (on November 1) at 10th anniversary celebration nito. Lahat ng mga taong naging bahagi ng 10 successful years niya sa showbiz ay makakasama sa selebrasyong ito, kasama na ang Bench.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …