HABANG naninindigan si Vice President Jejomar Binay na sa Ombudsman lang niya haharapin ang mga akusasyon laban sa kanya, iginigiit naman ng sambayanang Pinoy na dapat na niyang harapin ang Senate probe.
‘Yan umano ay batay sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong Setyembre 26 – 29.
Ayon umano sa 79 percent Pinoy, naniniwala sila na DAPAT nang humarap sa Senate probe si VP Jojo “biding-bidingan” Binay.
Panahon na para harapin ni Binay ang Senate investigation para sagutin ang mga alegasyon na ibinabato sa kanya at sa kanilang pamilya hinggil sa overpriced Makati City parking building, overpriced hospital beds at iba pang medical equipments at ang 350-ektaryang farm at hacienda sa Sto. Rosario, Batangas.
Hindi naman pwede na ang mga aso ‘este’ tao mo ang sumasagot sa mga binabatong issue sa ‘yo. Kaya madalas na parang pansit-palabok ang statement ng mga spokesperson ni VP.
Mahigpit na ang pangangailangan na sagutin ni Binay ang nasabing mga isyu dahil maging ang Boy Scout of the Philippines (BSP) ay naapektohan na.
Ilan magulang ang nakausap natin at nasabi nila na nahihiya na ang mga anak nila na mag-boy scout dahil sa mga issue kay Binay.
Ginagawa nang laughing stock sa pagbabansag na Boy Sikwat imbes Boy Scout. Alam natin na ang scouting ay fundamentals para sa mga batang lalaki at isang positibong sanayan ng mga bata para sa practical learning at emergency situations.
Kung maging ang BSP ay nadadamay sa eskandalo, palagay natin, kung ayaw man mag-resign ni Binay bilang national president ay kaila-ngan muna niyang magpahinga o mag-leave hangga’t hindi nagkakaroon ng linaw ang eskandalong kanyang kinasasangkutan.
Ang sa atin ay isang constructive suggestion lang naman … ano sa tingin ninyo VP Binay?!