Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lloydie, may anak daw sa pagkabinata

Natsitsismis si John Lloyd Cruz na mayroon ng anak.

Ito ay matapos lumabas ang Facebook posts ng isang female UPLB student sa isang website. Naka-post sa “The Elbi Files” Facebook account  na para pala sa mga UPLB students ang revelations ng girl.

“Anak ako ng isang kapamilya star at na discover ito ng prof ko nung friday. anak ng taga tabing Ilog, CAS, 201*,” the student posted last December.

Matapos iyon ay pinasaringan niya ang kanyang actor-father saying na buti pa ang anak ni Phoemela Baranda inilantad na samantalang siya ay hindi pa ina-acknowledge ng actor kahit na UPCAT passer siya. Nagbanta rin siyang magpapa-interview sa The Buzz. Tiyak daw na mas sisikat pa siya kay Kathryn Bernardo.

Noong Oct.  11 lang ay nagkuwento siya kung paanong na-badtrip siya matapos isama ng kanyang father sa tour nito sa Los Angeles. Noong una ay happy siya nang ipakilala siya sa mga kasamahan ng actor na estudyante siya sa UP Los Banos. Pero biglang nawala ang kanyang kasiyahan nang ipakilala siyang pamangkin ng actor.

Si John Lloyd  ang iniisip ng marami dahil sa clues na ibinigay ng UPLB student like “AnakngEyebags” dahil kilala si John Lloyd sa kanyang malaking eyebags; KantoGirlLiveinLA, dahil kasama si Lloydie sa  Kanto Boys group  at “Kahit ang sakit sakit na” na famous line ng actor sa One More Chance.

Pero marami pa rin ang nagda-doubt na ang dyowa nga ni Angelica Panganiban ang ama ng student. Bata pa naman kasi ito para magkaanak ng college student.

Ano kaya ang masasabi rito ng kampo ni John Lloyd? Totohanin kaya ng girl ang banta niyang pagpapa-interview sa The Buzz? Kung ako sa kanya, sa ibang talk show na lang ako magpapa-interview at baka gutay-gutayin lang ang panayam sa kanya. Alangan namang sirain ng network nila ang homegrown talent na katulad ni Papa Lloydie, ‘no!

Alex Brosas                                 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …