MULI palang nagpapagawa ng bahay si Kim Chiu.
Nalaman namin ito nang ibuking ni Coco Martin sa Ikaw Lamang set visit.
Tila mansiyon na raw ang ipinagagawa ni Kim dahil dumarami na raw sila. Pati yata mga pamangkin o ibang kamag-anak ay pinatira na ni Kim sa kanya kaya naman hindi na raw sila kasya sa kasalukuyang bahay na tinitirhan nila ngayon na ipinagawa rin ni Kim. Tulad ni Coco, matulungin din si Kim sa kanyang pamilya at nagpapa-aral ng mga pamangkin.
Ani Kim, ibebenta na lamang nila ang lumang bahay paglipat nila sa bagong bahay na ipinagawa.
Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Kim sa Dreamscape Entertainment Television dahil nakasama siya sa master seryeng Ikaw Lamang at nabigyan ng role na sumubok sa kakayahan niya biglang aktres dagdag pa na nakatrabaho niya ang mga magagaling na artista.
Aniya, may 33 na magagaling na aktor ang bumubuo sa Ikaw Lamang kaya sobrang honored siya na makatrabaho ang mga ito.
Aminado rin si Kim na mas nahirapan siya sa book 1 ng Ikaw Lamang na ginagampanan niya ang papel ni Isabelle dahil, “Hindi ko kayang maging prim and proper, anak-mayaman, ‘yung hindi makabasag-pinggan. Hindi ko talaga kaya ‘yung ganoon, kaya naman may mga eksena na ipinauulit si Direk. Tapos iyak pa ng iyak si Isabelle, maya’t maya umiiyak.”
Sinabi pa ni Kim na mas nadalian siya sa book 2 ng Ikaw Lamang bilang ginagampanan niya ang karakter ni Jacq o Andrea. “Sobrang dali kasi parang sa totong buhay lang, ganoon lang, saya-saya lang, parang adlib. Tapos ngayon, medyo halo na kasi patapos na,” paliwanag pa ni Kim na aminado ring maraming natutuhan sa teleseryeng ito lalo na kay Coco na sobra raw ang pagka-dedication sa trabaho.
“Ang dami ko talagang natutuhan dito. Hindi lang ‘yung basta umarte, kundi ‘yung involved ka sa lath ng kabuuan. Hindi naman masamang magbigay ng opinyon,” sambit pa ni Kim.
Tago Nang Tago, kasali sa Manhatan Int’l. Filmfest
SO proud of my classmate in Polytechnic University of the Philippines (PUP), Roberto Reyes Ang dahil kasali sa 30 pelikula ang isinulat at idinirehe niyang Tago Nang Tago (Always on the Run) sa International Film Festival Manhattan.
Magaganap ngayong buwan ang world premiere ng International Film Festival Manhattan na ang mga 30 iba pang short films ay nagmula pa sa Asia, America, at Europe.
Ang pelikulang TNT ay ukol sa istorya ng pakikibaka ng isang undocumented Filipino na nakatira sa New York.
Ani Roberto, “The title is also a witty play on words alluding to the explosive and how the undocumented immigrants are often always living on the edge, and their emotions ready to explode at any moment.”
Pinagbibidahan ni Philippines-based film, television, and stage actor Perry Escaño ang TNT kasama ang iba pang US based actors na sina Shannen Rae, Ramon Prado Mappala, Anneberyl Corotan-Naguit, Ged Merino, Michael John Dion, at Dominique Liwanag.
“According to the 2012 census, estimates show that there were 308,827 known registered immigrants in the US during the time that the survey was taken. The actual number of immigrants in the US including the ones who were undocumented, of course, was hard to pin point due to the fact that many of them kept a low profile.
“To prove this point, the office of immigration statistics in the US reports that the Department of Homeland Security removed 419,000 foreign nationals in the same year. These numbers were way beyond the number of registered immigrants. Imagine the stories of each of the lives of these people. These were not just numbers. These were human beings, each with a story to tell,” sambit pa ni Roberto.
At bilang filmmaker, sinabi naman ni Roberto na, “Making a movie is like flicking a lighter in a dark room. It only shows a portion of the big picture. TNT is but a part of the bigger story that needs to be told.”
Nag-masters in Cinema Studies from New York University’s Tisch School of the Arts si Roberto. Nakatanggap din siya ng Advanced Certificate in Culture and Media from the same university’s joint programs with the departments of Anthropology and Cinema
Studies. Nakompleto niya ang kanyang B.A.in Comparative Literature sa UCLA with minors in French and Spanish.
O ‘di ba pa naman. Ito ang aking kamag-aral na walang kasawaan sa pag-aaral. Kaya hindi kataka-takang malayo na talaga ang narating niya. Congrats Roberto and I’m so proud of you. Sana marami ka pang pelikulang magawa.
Para sa iba pang impormasyon, mag-log on sa official website ng TNT sa http://theglobalx.wix.com/tnt-movie and their Facebook page:
Maricris Nicasio