Monday , November 18 2024

Japanese itinumba ng tandem

mPATAY ang isang Japanese national makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga salarin na lulan ng motorsiklo habang sakay ang biktima ng isang taxi kasama ang isa pang Hapones kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Nalagutan ng hininga habang isinusugod sa Las Piñas General Hospital & Satellite Trauma Center  ang biktimang si Shinsuke Toba.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 11:30 p.m. nang maganap ang insidente sa C-5 Extension Road, Brgy. Manuyo 2 ng nasabing lungsod.

Napag-alaman, pasahero ang dalawang dayuhan sa taxi na minamaneho ni Rodito Atibagos, 68, ng Tondo, Maynila, nang hilingin ng dalawang Japanese na ihinto ang sasakyan dahil iihi sila.

Nang ihinto ni Atibagos ang taxi ay agad sumulpot ang motorsiklong hindi naplakahan at pinagbabaril ng mga suspek ang biktima.

Sa matinding takot, ay mabilis na lumabas ng taxi at tumakbo ang isa pang Japanese na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *