Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Got Talent winner todas sa rabies (Sa Agusan del Norte)

BUTUAN CITY – Dumulog sa municipal health office sa bayan ng Nasipit, lalawigan ng Agusan del Norte, ang mga kaanak ng isang local singer na namatay dahil sa rabies.

Ito’y bilang pagsunod sa payo ng attending physician ng 14-anyos biktimang si Rieven Joshua Cal, kampeon ng 2014 Nasipit Got Talent, at residente ng Purok Igpalas, Brgy. Culit ng nasabing bayan.

Ayon sa tiyahin ng biktima na si Brgy. Kagawad Emilinda Deloso, kinompirma sa kanya ng doktor ng biktima na may rabies ang dalagita base sa nakitang sintomas gaya ng panginginig at halos walang tigil na paglalaway.

Kamakalawa, naghihinagpis ang pamilya Cal at mga kaanak dahil inilibing ang biktima nang hindi man lamang nila nakita o kaya’y nayakap dahil hindi pinalapit sa selyadong kabaong ng biktima na binalot pa ng cadaver bag.

Pati ang nurses at ibang medical staff na nag-alaga kay Cal sa loob ng ospital ay pinabakunahan din upang makaiwas sa posibleng kontaminasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …