Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dismissal vs Justice Ong pinagtibay ng SC

PINAGTIBAY ng Supreme Court (SC) ang dismissal order laban kay Sandiganbayan Associate Justice Gregory Ong dahil sa kaugnayan sa tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles.

Sinabi ni SC spokeperson Atty. Theodore Te, ibinasura ng kataas-taasang hukuman ang motion for reconsideration na inihain ni Ong na humihiling baguhin ang naunang September 23 ruling na nagtatanggal sa kanya sa serbisyo.

Sa nasabing desisyon, si Ong ay walang matatanggap na ano mang benepisyo mula sa gobyerno maliban sa kanyang accrued leave benefits at hindi na maaaring magtrabaho sa gobyerno.

Magugunitang mismong ang SC ang nagkusa ng imbestigasyon laban sa kaugnayan ni Ong kay Napoles.

Lumabas sa imbestigasyon, nakatanggap nang malaking halaga si Ong mula kay Napoles kapalit ng pag-abswelto sa negosyante sa kasong kinakaharap kaugnay ng maanomalyang pagbili ng 500 Kevlar Helmets para sa Philippine Marines noong 1998.

Si Ong ang nagsilbing chairman ng Sandiganbayan 4th division.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …

Senate Senado

5 senador pasok bilang ‘most favorable’ senators

TATLONG miyembro ng mayorya at dalawa mula sa minorya ang pumasok sa top 5 ng …

Nartatez United Candelaria Doctors Hospital

Acting PNP Chief Nartatez Personal na Dumalaw sa mga Sugatang Pulis at Pinarangalan ang Nasawing Kasamahan sa Quezon

Pamumunong Nariyan Kapag Kailangan Hindi nag-atubiling magtungo si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. …