Isang HIGHLY CONFIDENTIAL information ang ipinarating sa inyong lingkod ng ating sources. Patungkol ito sa nalalapit na holidays o Kapaskuhan na nakatakdang samantalahin ng ilang walanghiyang indibidwal na ang hangad ay kumita nang limpak-limpak na kuwarta sa masamang kaparaanan.
Patungkol ito sa isang sindikato ng “BOTCHA” o yaong mga karne na mga double dead na baboy.
Kinilala ng ating sources ang tinaguriang BOTCHA KING ng Metro Manila na si alyas GABY YU, nagmamay-ari ng isang piggery sa Barangay Gaya-gaya, Jose Del Monte, Bulacan.
Walanghiya at tuso ang nasabing Tsekwa na may ilang kaso na ng pananakit sa kanyang mga tauhan.
Dahil tuso nga, underpaid ang lahat ng mga tauhan na ang karamihan ay mga menor de edad na kabataang lalaki na mistulang alipin ng hindot na Intsik.
Kumbaga sa cancer, talamak ang pagiging walanghiya ng taong ‘yan.
Si Gaby Yu ang itinuturing na biggest supplier ng mga BOTCHA sa buong Metro Manila partikular na sa Cloverleaf Market diyan sa Balintawak, Quezon City, Commonwealth Market sa Fairview, Bagong Silang sa Caloocan, Maypajo at Sangandaan sa Caloocan City pa rin, Pasay Market sa Libertad, Pasay City at sa iba pang merkado sa Kamaynilaan.
Hindi lamang pagpapalusot ng mga karneng baboy na ‘BOTCHA’ sa mga palengke ang raket nitong si GABY kundi ang paggawa ng processed meat na ang gamit ay pawang karne ng double dead na baboy na ibinabagsak sa ‘consignees’ sa ilang groceries at supermarket.
Malaking perhuwisyo sa kalusugan ng consumers ang ilegal na negosyo ng BOTCHA KING dahil puwedeng makalason sa mga makabibili at makakakain ng double dead na karne.
Nagkakahalaga ng singkuwenta pesos (P50) kada kilo karne ng double dead na baboy kung direktang pi-pick-up-in sa farm ng kupal na Tsekwa diyan sa Barangay Gayagaya, CSJDM, Bulacan.
Maraming mga ahensiya na pamahalaan ang tiyak na mag-uunahang habulin ang hindot na si Gabby.
May kasunod…Abangan!
Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR” Mon – Fri 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]
Rex Cayanong