HUMAKOT ng tatlong karangalan si Perpetual Help Altas Earl Scottie Thompson matapos dalhin ang kanyang koponan sa Top four sa 90th NCAA basketball tournament.
Hinablot ni Thompson ang pinakaimportanteng individual award na Most Valuable Player at nakasama rin siya sa Mythical Five at Best Defensive Team matapos ilabas ang listahan ng mga nanalo sa individual awards.
Ang ibang kasapi sa Mythical 5 ay sina Harold Arboleda ng Perpetual, Jiovani Jalalon ng Arellano U, Bradwyn Guinto ng San Sebastian Stags at Olaide Adeogun ng San Beda Red Lions habang sa Best Defensive Team ay sina Lyceum Pirates Joseph Gabayni, Abdulwahab Abdulrazak ng Rizal Heavy Bombers, Guinto at Adeogun.
Nakopo ni Gabayni ang Best Defensive Player , Most Improved si Jalalon at Rookie of the Year Dioncee Holts ng Arellano habang hinirang na Sportsmanship Awards ang JRU.
Sa juniors, MVP si Light Bomber Darius Estrella at kasama rin siya sa M5 at sa Defensive Team.
Ang ibang miyembro ng M5 ay sina John Gob at Riccie Rivero ng St. Benilde Jr. Blazers, Dennel Aguirre ng Mapua Red Robins at Niko Abatayo ng San Beda Red Cubs.
Sina Abatayo, Gob, Makki Santos ng Lyceum Jr. Pirates at Rapahael Chavez ng Jr. Blazers ang kasama ni Estrella sa Defensive Team.
Nasungkit din ni Gob ang Defensive Player at Most Improved habang natangay ni Chavez ang ROY at sa San Beda binigay ang Sportsmanship award.
Arabela Princess Dawa