Monday , November 18 2024

Takot kay Uncle Sam

00 aksyon almarNOON pa man – sinaunang panahon bagamat nagawang makalaya ng mahal nating bansa sa kuko ng mga abusadong puti – Amerikano ay hindi pa rin ramdam ang tunay na kalayaan.

Oo hanggang ngayon ay hawak pa rin ni Uncle Sam ang ‘Pinas – dinidiktahan pa rin nila ang pagpapatakbo sa bansa. Ayaw man aminin ito ng mga lider natin ay mulat pa rin sa katotohanan ang marami na hawak pa rin ni Uncle Sam sa leeg ang ‘Pinas.
Sa VFA na lamang, makikita na hawak sa leeg ng US of America ang bansa natin. Bagamat, totoong kailangan natin ang tulong ni Uncle Sam dahil wala naman tayong panglaban kung saka-ling may aatake sa bansa.

Ngayon ang punto natin, malamang ay hanggang kalsada lamang ang sigaw na katarungan para sa pinatay na transgender sa Olongapo. Suspek – Amerikanong sundalo.

Nasaan ang suspek? Hindi naman tumakas kundi nasa pangangalaga ng mga Amerikano pa rin kahit hindi ito kasama sa kasunduan sa VFA.

Ang dapat kasi nasa kamay na ng gobyerno natin ang Amerikanong nakapatay dahil ibang kaso naman ito at malayo sa pinagkasunduan sa VFA.

Pero isinuko ba ng US of America ang kanilang sundalo. Hindi.

Ngunit kapag Pinoy ang nagkasala sa US of America – kulungan agad ang bagsak. Ganoon ang Pinoy sa Amerika pero ang mga Kano rito kapag nagkasala ay tila tabla.

Isa pang masasabing hawak sa leeg ng mga Kano ang bansa natin ang pananahimik ng Palasyo. Hanggang ngayon ay hindi man lang nila hinihingi sa Amerika na isuko na ang kanilang sundalong nakapatay ng transgender.

Bakit tahimik ang Palasyo? Isa bang patunay ito na si Uncle Sam din ang nagpapatakbo ng Malacañang? Hindi naman siguro pero, bakit tameme ang Pangulo natin – wala man lang kahilingang isuko na ang Kano sa ‘Pinas para makulong pero at sa halip, sarap buhay pa rin ang Kano sa kanilang malamig at napakagarang barkong pandigma.

Kaya kahit na anong sigaw ng mga kababa-yan natin sa lansangan para sa katarungan, malamang walang patutunguhan ito. Malamang magagaya ito sa kaso ni Nicole noon.

Lamang, mayroon pwedeng mangyari sa kaso ng bakla – pwedeng makulong ang akusadong Kano basta’t huwag lang bumigay ang ina ng biktima.

Maalala n’yo ‘yon kaso ng isang sundalong Kano noon – ang gumahasa kay Nicole? Ano nangyari? Wala!

Oo nga’t hinawakan ng Pinas ang akusado noon pero ano? Binawi agad siya ng Amerika. Hindi nila pinabayaan. Ganoon ang Amerika sa kanilang mga sundalo… walang iwanan. Talagang kinaasikaso ng gobyernong Kano ang kanilang mga sundalo. Hindi tulad dito na kahit pambili lang ng bota para sa sundalo ay ninanakaw.

Ngayon may mangyayari ba sa panibagong kasong pagpaslang na kinasasangkutan ng isang sundalong Kano?
Tahimik ang Palasyo, tahimik ang DOJ pero pagdating sa kalaban sa politika ay panay-panay ang pagggiba nila sa kanilang mga kalaban.

Iyan ang gobyernong Pinoy… palaban sa Pinoy pero sa mga Kano ay halos himurin ang tumbong ni Uncle Sam. Kawawang transgender malamang na walang mangyayari sa kanyang kaso… oo, kasi hanggang ngayon ay tameme ang Palasyo. Takot kay Uncle Sam.

Kaya sa pamilya ng transgender, ‘wag nang asahan ang gobyerno… kaya malaki ang posi-bilidad na uuwing nakangiti sa US of Amerika ang sundalong sinasabing pumatay sa transgender.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *