Wednesday , December 25 2024

Professional Good Soldier

ITO ang ugali ng mga district collector na isinalya sa tinatawag na Customs Policy Research Office (CPRO) pero batch by batch nang ibinabalik sa mother unit nila sa South Harbor.

Pero hindi sa dating position nila at tingin ng madlang pipol it does not matter kung hindi sila ibalik sa dating item. After all, batid nila na depende sa pleasure ng commissioner kung saan sila ilalagay …commissioner’s prerogative.

00 Palipad hangin Arnold ataderoSa loob ng isang taon mismong 15 port/district collectors ang inilagay sa CPRO ay nag-graduate na ‘ika nga after one year. Hindi nila masyadong namalayan na one year na pala sila na “floating.” Walang assignment pero on paper kuno ay dapat silang bigyan ng trabaho bilang researcher. Kaya lang nagmistulang clerk sila na required na mag-time-in at mag-time-out. Sa pagbabalik nila, required pa rin silang mag-time-in at mag-time-out. Oks lang sa kanila.

Ganito raw sila ka-professional, civil at sige-sige lang na ikulong sila sa CPRO. After all, daw ilan sa kanila ay graduating na next year. Maaaring hindi kayo maniwala, halos lahat sa kanila ay lawyer or senior accountant at maraming taon na ang kanilang paghawak ng matitinding puwesto like district collector. Malawak ang kanilang na-ging experience sa Customs.

Tapos, ilan sa mga collector tila under ng kanilang replacement na retiradong heneral ng military. Kuno, ang dahilan sila (military) ang matibay na counter-force laban sa corruption at smuggling.

Walang nagsipag-alsa laban sa pagtatapon sa kanila. Dapat sana nagamit nila ang pagiging lawyer nila. Iba sa kanila galing pa sa UP Law School at Ateneo Law School.

Parang tulad sa military ang kanilang attitude sa ganitong pagpasok ng military mind sa Bureau … “Obey first, before you disobey.”
Tila hindi rin pwedeng gibain ang kanilangkaisipan at lumuhod para lang hindi sila galawin sa pwesto. Sa totoo lang, sabi ng mga trader walang nang-harass laban sa kanila ni isang district collector (lahat sila itinapon sa CPRO).

Pwede naman ituloy mahight isang taon ang stay nila sa CPRO, pero tila nagsawa na lang sina Finance Chief Purisima at Commissioner Sevilla. Hindi pala sila pwedeng gawin basta tagasunod na lang. Pero hindi nga sila umalma kahit pa sabihing may legal basis to protest their firing.

Para bagang “war of attrition” ang nangyayari. Basta”t tuloy ang salary nila, sige okay lang na grounded sila. It will not matter to them kung hanggang sa dulo ng term ni Pinoy sa 2016.

By next year nga, may mga magreretiro na sa mga itinapon sa CPRO.

Bukod sa kanila, maraming middle level officials, ilang director na umaabot sa 40 lahat (and more are joining).

In fairness naman, wala halos naireklamo sa mga nakaupong retired generals, ang mga collector. Tunay na professional, good soldier sila. Hindi marahil magsasalita si Sevilla ukol sa behavior ng mga grounded na kolektor.

Kung revenue collection ang pag-uusapan, kapos sa kanilang assigned revenue target. Isa sa dahilang malaki ang kasalukuyang port congestion sa pier na bumibiktima ng milyon-milyong revenue ng bureau daily.

Sang-ayon sa speculation, tila lumambot na si Commissioner sa mga civilian collector. Bakit kaya? Matigas ba ang ulo ng mga military?

Arnold Atadero

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *