ITINANGGI ni Senador Antonio Trillanes IV kahapon na bumili siya ng overpriced multicabs sa halagang P300,000 bawat isa sa pamamagitan ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF), makaraan akusahan ng United Nationalist Alliance.
Sinabi ng senador, wala siyang pinondohang overpriced projects at hindi personal na nakinabang sa iba’t ibang proyekto sa pamamagitan ng kanyang PDAF.
“From 2011 to 2013, my office has granted numerous requests from the different municipalities in the country for fund allocation for multicabs which will be used as ambulance or patrol car,” aniya.
Sinabi ni Trillanes, ang alokasyon para sa ‘requests’ ay standardized dahil ang pondo ay direktang inire-release sa requesting local government units, na siyang nagsasagawa ng sarili nilang ‘procurement’ base sa umiiral na mga patakaran.
“My office has no involvement on the procurement of these multicabs,” aniya.
Dagdag niya, base sa isinagawang pag-canvass ng kanyang opisina, ang market value ng multicab ay nagkakahalaga ng P170,000.
“This is further customized by the requesting local government unit depending on the purpose of its use, either as an ambulance or a patrol car. In addition to the cost for the custom design changes, part of our allocation includes costs for spare parts, operation and maintenance for one year of each multicab,” pahayag ni Trillanes.
Niño Aclan