Friday , November 15 2024

Lawyer ni ‘Jenny’ sinusundan ng US spy

102114_FRONTSINUSUNDAN ng isang espiyang Amerikano ang abogado ng pamilya Laude.

Isiniwalat ni Atty. Harry Roque, may isang Amerikano na nakabuntot sa kanya habang ina-asikaso ang kaso ng pagpaslang sa transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer.

“Siguradong-siguradong Amerikano po ‘yun. Ang tindig po niya ay tindig-sundalo,” paglala-rawan ni Roque.

“Nagpunta po ako sa tanggapan ng piskalaya, matapos ko pong maki-pagpulong, siya naman ang pumasok. Nagpunta po ako sa (kapulisan), matapos akong makipagpulong, siya naman ang pumasok. Nagpunta po ako sa bahay ng isang testigo, paglabas ng bahay, nakita ko nandoon na naman siya bagama’t hindi siya pumasok.”

Tinangka ni Roque na komprontahin ang sina-sabing espiya ngunit pi-nigilan siya ng mga kasamahan para hindi na magbunsod ng gulo.

Dahil dito, minabuti na niyang ipasok sa Witness Protection Program (WPP) ang pangunahin nilang testigong si “Barbie.”
Ipoproseso rin ng abogado ang ibang testigo ng pamilya Laude para mabigyan ng proteksyon.

Pemberton igigiit ng DOJ na humarap sa prelim probe
IGIGIIT ng Department of Justice (DoJ) ang pagpapaharap kay US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton sa preliminary investigation sa pagpaslang sa transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer.

Ngayong Martes, Oktubre 21, isasagawa ang pagdinig. Batay sa panuntunan, obligadong humarap ang akusado sa public prosecutor para panumpaan ang kanyang counter affidavit.

Ayon kay DoJ Sec. Leila de Lima, layon ng kanilang paggiit sa personal appearance ni Pemberton ang maipakitang walang special treatment sa Amerikano at para hindi maakusahan ang gob-yerno na malambot sa naturang kaso.

Inatasan na rin ng kalihim ang National Prosecution Service na bilisan ang isasagawang preli-minary probe at huwag pagbigyan ang ano mang taktika ng dayuhan para ma-delay ang kaso tulad ng paghirit na ipagpaliban ang pagdinig.

Nahaharap si Pemberton sa kasong murder.
Leonard Basilio

Kustodiya sa US Marine premature pa – De Lima
INIHAYAG ng Department of Justice (DoJ) na hindi pa napapanahon para hilingin ng Filipinas sa Amerika ang kustodiya kay US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, premature ang naturang hi-rit dahil wala pang warrant of arrest laban sa sundalong Amerikano.

Binigyang-diin niyang ang korte lamang ang maaaring maglabas ng arrest warrant, hindi ang Department of Foreign Affairs (DFA) bagama’t ang huli ang magpapa-dala ng diplomatic note sa US Embassy.

Ngunit ani De Lima, isang position paper ang kanilang binabalangkas.

“Ngayon pa lang ho, nagpe-prepare kami ng official position… doon ipi-present mga compelling arguments why we need to demand custody of Mr. Pemberton. To insist on custody at this point is premature,” pahayag ng kalihim.

Naniniwala si De Lima na walang dapat ikabahala sa kaso ni Jeffrey Laude alyas Jennifer dahil tiniyak ng US Embassy na mananatili sa bansa si Pemberton.

Abrogation ng VFA Ibinasurani Pnoy
IBINASURA ni Pangulong Benigno Aquino III ang panawagan ng ilang grupo na ipawalang bisa ang Visiting Forces Agreement (VFA) bunsod ng kaso ng pagpatay sa Filipina transgender ng isang US serviceman kamaka-ilan.

Sa media interview sa 70th anniversary ng Leyte Landing kahapon sa Palo, Leyte, iginiit ng Pangulo na hindi makatwiran na husgahan ang VFA dahil sa pagpatay sa transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude ni US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton sa Olongapo City noong Oktubre 11.

“Bakit natin kaila-ngan i-abrograte ‘yung VFA? I mean, name me any place that doesn’t have crime. And the sin of one person should be reflective of the entire country? I don’t think so,” anang Pangulo.

Ang mahalaga aniya kapag may naganap na krimen ay makalap ang lahat ng mga ebidensiya na magdidiin sa salarin upang makamit ng biktima ang katarungan. “So, ang importante dito mayroong krimen na nangyari, kunin lahat ng ebidensi-yang magpapatunay na ang may salarin ang may kasalanan dito, at mag-karoon tayo ng katarungan,” dagdag ng Pangulo.
Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *