Thursday , November 14 2024

‘Jenny’ hindi type tulungan ni Justice Secretary Leila de Lima?

00 Bulabugin jerry yap jsyMUKHANG hindi type ni Justice Secretary Leila De Lima ang isyu ng pagpaslang kay Jeffrey Laude a.k.a. Jennifer ng sundalong Amerikano na si Joseph Scott Pemberton.

Patuloy ang pagsuporta ng grupong Gabriela sa pamilya ni Laude bilang protesta sa karahasan at krimen na ginawa ni Pemberton sa transgender na si Jenny, pero marami ang nagtataka na wala ‘ata tayong marinig na ano mang pahayag mula sa Kalihim ng Katarungan na isang babae.

Maging sa social media ay sandamakmak ang reaksiyon ng netizens dahil sa paghihirap na inabot ni Jennifer sa kamay ng sundalong Kano na si Pemberton.

Muli uminit ang mga pagtutol sa Visiting Forces Agreement (VFA) ng Estados Unidos sa ating bansa.

Lumalakas na naman ang mga boses ng pagtutol laban sa VFA dahil kung tutuusin umano hindi lang ‘yang pagpaslang ni Pemberton kay Laude ang usapin, marami pang maliliit na kaso na hindi na lang umano inirereklamo ng mga naaagrabyadong Pinoy o Pinay sa mga lugar kung saan nagsasagawa ng exercises ang pwersang Amerikano.

Dati ay napakabilis magbigay ng pahayag o reaksiyon ni Secretary De Lima sa ano mang isyu lalo na kung malalaking tao ang nasasangkot.

Akala natin ay consistent siya sa ganitong klase ng pagkukrusada bilang Kalihim ng Katarungan, hindi pala.

Mayroon din palang panahon na nananahimik si Madam Leila lalo na kung Kano ang nasasangkot?!

Kung kailan pa naman kailangan ang kanyang “fiery attacks” ‘e ngayon pa siya mistulang dinaanan ng anghel sa katahimikan.

Madam Leila, kung ikaw man ay nananahimik dahil masyado mong pinag-iisipan kung paano sasawsaw ‘este sisingkaw, ay mali na naman, kung ano ang magiging posisyon ng Department of Justice sa ‘kustodiya’ ng suspek na sundalong Kano na si Pemberton habang nililitis ang pamamaslang kay Jenny  ‘e palagay natin kailangan ninyong bilisan ang pag-aanalisa sa pangyayari para maging malinaw sa mamamayang Filipino na ikaw ay nararapat pa d’yan sa iyong pwesto.

Kayo po ay inaatasan ng Republika ng Pilipinas bilang Kalihim ng Katarungan na tumatanggap ng suweldo mula sa mga mamamayang tapat na nagbabayad ng buwis, na magsalita laban sa pang-aabusong naranasan ng kababayan nating si ‘Jenny’ sa mapang-abusong dayuhan  na si Pemberton.

Lalaki, bakla o transgender man na maikakategorya si ‘Jenny’ siya ay nanatiling isang Filipino at higit sa lahat ay isang tao at biktima ng isang krimen.

Hanggang sa kamatayan, si ‘Jenny’  ay may karapatan sa kanyang dignidad bilang tao at ano mang paglabag laban dito na ikinatubos ng kanyang buhay ay responsibilidad ng Estado na ibalik sa kanya sa pamamagitan ng mga prosesong pangkatarungan.

Sana po ay napukaw ng inyong lingkod ang inyong nanahimik na diwa, Justice Secretary Leila De Lima, para sa karapatan ni ‘Jenny’ na makamit ang katarungan, kahit ang kanyang katawan na nakaranas nang walang pangalawang pang-aabuso ay anim na piye nang nakabaon sa lupa.

Uulitin ko Madam Leila, ngayon ang panahon para atakehin ang mga pwersa o elementong walang pagrespeto sa mga nilalang na may buhay — lalo sa isang tao.

Ebola Virus sisiw sa 2016 ‘Bola’ Virus na kahaharapin ng mga Pinoy

ITO naman po ay hindi pananakot, kundi isang babala.

Kung tayo po ay nag-aalala sa sinasabing EBOLA Virus mula sa Western Africa at hindi magkandaugaga ang United Nations (UN) sa pagbibigay ng anunsiyo sa buong mundo, e ang masasabi lag natin, ‘SISIW’ po ‘yan sa  kahaharaping ‘VIRUS’ ng mga Pinoy sa 2016.

Ang tawag daw po sa  VIRUS na ‘yan ay ‘BOLA’ virus.

Bago po matapos ang 2014, malamang ‘e kumalat na ang ‘BOLA’ virus na ang mga ‘carrier’ ay mga ‘POLITIKO.’

Mag-EELEKSIYON na po kasi sa 2016.

Kaya matindi na naman ang gagawing pambobola ng mga politiko sa sambayanang Pinoy.

Malamang d’yan tayo manghina — sa BOLA virus na dala ng mga politiko.

Lahat ng panunuyo ‘e gagawin ng mga polpolitiko  ‘este’ politikong ‘yan para masungkit ang sagradong boto ng mamamayan.

Nariyan na yayakapin nila ang mahihirap, sasabayan kumain sa palengke, mangangako ng sangkaterbang benepisyo o ginhawa sa buhay.

Pero kapag nakaupo na ‘yang mga ‘yan, subukan ninyong puntahan sa mga opisina nila, tingnan natin kung masilayan man lang ninyo ang mga pagmumukha n’yan.

Malamang sa gwardiya pa lang ‘e laglag na kayo, swerte nang makausap ninyo ang kanilang sekretarya.

At kung makapasok man kayo ang sasabihin ay: “pasensiya na muna…wala pang budget si Sir.”

Ganyan katindi ang ‘BOLA’ virus ng mga politiko.

Kaya sa ating mga kababayan, magising na po tayo, huwag nating ipagpalit ang boto natin sa dalawang ‘piso’ o kahit 1-0-0-0 pa …

Isipin po ninyo ang kinabukasan ng inyong mga anak at apo …

Inuulit po ng inyong lingkod …ngayon pa lang ‘e MAG-INGAT sa ‘BOLA’ VIRUS.

 Sindikato ng pekeng customs receipt natimbog ni BOC-NAIA Customs Collector Ed Macabeo

MAHIGPIT at patuloy na pinamamanmanan ni Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BoC-NAIA) Collector Ed Macabeo, ang sindikato na gumagamit ng pekeng Customs receipt para sa pagre-release ng kargamento.

Matagal na niyang ipinag-utos sa CIIS at ESS NAIA na i-monitor at hulihin ang mga tulisan na gumagamit ng pekeng resibo sa mga customs NAIA bonded warehouse.

Noong nakaraang Biyernes (Oktubre 10) nagresulta ang matagal na surveillance at monitoring ng BOC-NAIA. Isang teenager na babae (boyish look) ang naaresto ng CIIS sa pamumuno ni Intel Officer Joel Pinawin dahil nga sa paggamit ng pekeng Customs receipt.

Nangyari ito sa Pair cargo nang ipresenta ng teenager ang pekeng resibo bilang kabayaran ng duties & taxes sa isang cargo shipment.

Dahil alam na peke ang resibo, agad tinawag at inalarma ng isang lady customs supervisor ang CIIS at customs police.

Agad naman dinampot ng CIIS at Customs Police ang teenager at iniharap kay  NAIA customs district collector Ed Macabeo para sa disposition.

Labis ang pagkagalit ni Coll. Macabeo nang makita niya ang teenager kahit nakaramdam siya ng labis na kalungkutan at pagkadesmaya dahil naalala daw n’ya ang anak na OFW.

Nang tanungin ni Collector Macabeo ang teenager kung bakit niya nagawa iyon, sinabi nito na ”sir napag-utusan lang po ako” at saka umiyak nang umiyak.

Pero ayon sa mga customs police, ang teenager ay inutusan ng kanyang tiyuhin na isang broker.

Agad na iniutos ni Collector Macabeo sa Customs Police na tugisin ang iba pang responsable sa paggamit ng pekeng Customs receipt.

Kasunod ang pagsasampa ng kaso ng BOC-ESS-NAIA sa piskalya ng Pasay laban sa teenager.

Pinuri ni Collector Macabaeo sina CIIS NAIA OIC Joel Pinawin, ESS NAIA chief Capt. Reggie Tuason at Lt. Sherwin Andrada at kanilang mga tauhan sa matagumpay na pagkakasakote sa sindikato na gumagamit ng pekeng resibo sa mga bodega.

“Hindi tayo mangingimi na kasuhan at ipakulong ang sindikatong ito. Kaya mas mabuti na itigil at lumayas na sila sa Customs NAIA,” ani Collector Macabeo.

 

 


 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com


 

 

 

Jerry Yap

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *