DAVAO CITY – Boluntaryong sumuko si Davao del Sur Former Governor Douglas Cagas sa Davao del Sur Police Provincial headquarters kahapon nang lumabas ang warrant of arrest sa kasong murder na isinampa sa kanya kaugnay sa pagkamatay ng journalist na si Nestor Bedolido, Sr., apat taon na ang nakalilipas.
Marami ang sumama sa pagsuko ng nasabing former governor kasama na rito ang kanyang abogado, kanyang asawa na si Davao del Sur 1st district Congresswoman Mercedes Chan Cagas at mga kamag-anak, ilang alkal-de, barangay official at supporters.
Dumating si Gov. Cagas sa PNP Provincial command dakong 7 a.m., habang nilagdaan ni Judge Carmelita Sarno-Davin ng RTC Branch 19, ang warrant of arrest sa kasong murder dakong 8:30 a.m.
At pagsapit ng 9 a.m. umakyat ang gobernador sa opisina ni Davao del Sur Director, Senior Supt. Michael John Dubria, hudyat ng kanyang boluntaryong pagsuko.