Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Engineer na-double hit and run patay

102114 MOTORDOBLENG kamalasan ang sinapit ng isang inhinyero nang dalawang beses ma-hit and run ng isang kotse at truck habang minamaneho ang kanyang motorsiklo at tinatahak ang South Luzon Expressway (SLEX) kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Namatay noon din ang biktimang si Jun Yasul, 57, ng Cairo St., Purok 4, Multinational Village, Brgy. Moonwalk, Parañaque City, bunsod ng pinsala sa ulo at katawan.

Kinilala ang biktima sa pamamagitan ng kanyang Professional Regulation Commission (PRC) ID.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Mercelino Peralta, ng PNP-Highway Patrol Group(HPG), dakong 3:30 a.m. nang maganap ang insidente sa south bound lane ng SLEX sa Brgy. Magallanes Village, Makati City.

Habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo nasagi siya ng isang kotse na hindi nakuha ang plaka.

Tumilapon si Yasul nang ilang metro ang layo at muling nasagasaan ng isang truck na hindi rin naplakahan.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …