UMABOT sa 50 kabahayan ang natupok kabilang ang bahay ni Manila 1st District Congressman Benjamin “Atong” Asilo nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Tondo, Maynila kahapon.
Ayon sa inisyal na ulat ng Manila Fire Bureau, dakong 11:34 a.m. nang nagsimula ang sunog na itinaas sa Task Force Bravo dakong 11:48 a.m.
Sinasabing nagmula ang sunog sa bahay ng isang Efren dela Cruz sa ground floor ng 2 storey building sa 1881 Franco Street, Brgy. 91, sa likurang bahagi ng pamilihang bayan ng Pritil sa Tondo, Maynila.
Dahil gawa sa light materials at dikit-dikit ang mga bahay ay mabilis na kumalat ang apoy.
Dakong 1:30 p.m. nang idineklarang fire out ang nasabing sunog
Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung ano ang posibleng sanhi ng insidente.
Leonard Basilio