Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 pulis nag-duelo sibilyan dedbol

102114 policeBINAWIAN ng buhay ang isang sibilyan nang maipit sa barilan ng dalawang pulis sa Brgy. Mahabang Parang, Angono, Rizal kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Isidro Magpali, 47, tiyuhin ng isa sa nagbarilang dalawang pulis.
Ayon kay Angono Police Supt. Lucilo Laguna Jr., galing sa bundok si Supt. Wilson Magpali kasama ang tiyuhing si Isidro makaraan bumisita sa isang kaanak.

Pababa na sina Wilson at Isidro nang matapat sa bahay ni SPO2 Edison Descalsota, 50, ng CIDG-Camp Crame, na nakikipag-inoman sa ilang sibilyan.

Sinasabing nahawakan ni Isidro ang kotse ni Descalsota. Sinisilip na dahilan ni Laguna, “Hindi natin alam kung gusto umihi sa gilid ng kotse.”

Habang may nakapagsabi aniyang nag-uusap lang ang magtiyuhin nang biglang may sumampal kay Wilson kaya nagpaputok siya ng baril. Sinita ng mga kasama ni Descalsota ang pulis. Ngunit isa sa mga sibilyan ay kumuha ng baril kaya nag-umpisa ang barilan.
Nang marinig ni Descalsota ang putukan, kumuha na rin siya ng baril at nagpaputok.

Ed Moreno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …