Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

VFA national defense strategy ng PH (Giit ng Palasyo)

PNOY OBAMAMAS dapat ikonsidera ang Visiting Forces Agreement (VFA) bilang bahagi ng “national defense strategy” ng Filipinas, imbes batikusin dahil sa kaso nang pagpatay ng isang US Serviceman sa isang Filipina transgender.
“This is part of the overall national defense strategy ng ating bansa—‘yon pong Visiting Forces Agreement. ‘Yon po ang mas malaking larawan habang tinutukoy natin ‘yung mga partikular na isyu hinggil sa jurisdiction at custody,” ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr.
Paliwanag ni Coloma, makaraan mawala ang US military bases sa Filipinas ay ang VFA na ang patakaran na umiiral hinggil sa pagdalaw ng mga tropang Amerikano sa bansa, pagganap ng joint military exercises ng US at ng Armed Force of the Philippines (AFP).
Nagkakaisa aniya ang Filipinas at US hinggil sa kahalagahan ng masinsing pakikipag-ugnayan bilang pagtiyak na iiral ang katarungan sa kaso ni Laude.
Tiniyak niya na sinusunod ang proseso ng batas sa kaso ni Laude, na ang ang mayroong hurisdiksyon ay ang Filipinas at batas ng ating bansa ang paiiralin.
Si Laude ay natagpuang wala nang buhay noong Oktubre 11 sa isang motel sa Olongapo City, ilang minuto makaraan magkasama silang pumasok ni Private First Class Joseph Scott Pemberton.
Kasalukuyan nakadetine sa USS Peleliu si Pemberton, itinuturing na pangunahing suspek sa pagpatay kay Laude batay sa testimonya ng ilang testigo.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …