ANG English-speaking parrot na apat taon nawala ay bumalik na nagsasalita na ng Spanish.
Si Nigel, isang African Grey parrot, ay lumipad palayo sa bahay ng kanyang among British na si Darren Chick sa Torrance, California noong 2010.
Siya ay naibalik sa ibang pet owner na naghahanap din sa kanyang nawawalang African grey parrot, ngunit naipasa rin kay Mr. Chick.
Ngunit nawala na sa ibon ang kanyang distinctive British accent at nagsasalita na ng ibang lengguwahe.
Imbes na makipag-usap sa English, ang ibon ay nagsasalita na ng Spanish katulad ng “Que pasa?” sa mga tao, ayon sa ulat ng Daily Breeze.
Nang mawala ay natagpuan si Nigel ng local business owner na si Julissa Sperling, at ipinasa sa veterinarian na si Teresa Micco na nawalan din ng parrot.
Natuklasan ni Ms. Micco na hindi iyon ang kanyang ibon at napansin na mayroong microchip si Nigel, at nagamit ito sa pagtunton kay Mr. Chick.
Napaluha si Mr. Chick nang makita ang ibon sa kabila na tinuka siya nang kanya itong kunin.
Aniya, “He’s doing perfect. It’s really weird. I knew it was him from the minute I saw him.”
(ORANGE QUIRKY NEWS)