Sunday , January 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis ng Camnorte Gov, 1 pa dinukot?

LEGAZPI CITY- Nagpasaklolo ang Camarines Norte Police Provincial Office sa Police Regional Office -5 upang hanapin ang asawa ng gobernador ng lalawigan at isa pang kasama hinihinalang dinukot nitong Biyernes, Oktubre 17.

Ayon kay PO1 Michael Lubiano y Cabines, nakadestinong pulis sa Camarines Norte PPSC sa bayan ng Vinzons, sakay ng itim na Toyota Fortuner (PRI 744) si Gng. Josie Tallado, asawa ni Governor Edgardo “Egay” Tallado, kasama ang isang nagngangalang Darlene Francisco, patungo sa Brgy. 3 sa nasabing bayan.

Ayon kay Lubiano, dakong 3 p.m. nitong Biyernes nang bilinan siya ni Tallado na hintayin sila hanggang 7 p.m. sa nasabing barangay ngunit lagpas na ang nasabing oras ay hindi dumating ang ginang.

Ilang ulit din niyang sinubukan na tawagan ang numero ni Francisco, ngunit walang sumasagot hanggang magdamag.

Dakong 9 a.m. nang ireport ni PO3 Rico Asuncion, nakadestinong pulis sa PPSC, na ang sasakyang kinalululanan nina Mrs. Tallado at Francisco ay narekober sa bahagi ng Maharlika Highway sa Napolidan, Lupi, Camarines Sur ngunit wala ang mga nakasakay rito.
Hanggang sa ngayon ay blangko pa rin ang mga awtoridad kung ano ang nangyari sa mga biktima.

 

(HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Batangas Rep ibinuking inang senadora sa budget insertions

INAMIN ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na may insertions sa pambansang budget ang …