Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fair Treatment sa Customs Officials from CPRO

00 parehas jimmySANA naman ‘yun Customs career officials na galing sa DOF-CPRO ay bigyan sila ng pwesto.

Unang-una, magagaling at matatalino sila at malaki ang naitutulong sa revenue collection ng customs. Kalimutan muna natin ang benggahan at magtulong-tulong para sa ikabubuti ng BOC.

Ako na po ang magsasabi na hindi corrupt ang 1st batch na naibalik d’yan. Nagdusa na sila nang matagal sa CPRO, magdudusa na naman ba sila ngayon sa creek? Hindi na ako sang-ayon sa ganyang klase ng reporma.

Ang customs officials na ‘yan ay hindi naman nakasuhan at nasangkot sa katiwalian noon. Kilala ko ang mga ‘yan dahil 33 years na akong kumokober sa Bureau of Customs. Magpa-Pasko na at sana bigyan n’yo naman ng konting love ang inyong mga puso. Tandaan natin na lahat tayo sa mundong ito ay may katapusan.

God bless us all!

Suportahan natin ang NBI
Nalalapit na ang NBI Director Mendez 157 Incorporated golf cup na gaganapin sa November 7 sa Fontana Korea Country club sa Clark, Pampanga. Ang kikitain nito ay para sa projects ng NBI na makatutulong nang malaki sa mga organic members ng NBI.

Kasama na rito ang Gift Giving project sa darating na Kapaskuhan para sa mga nasalanta ng kalamidad.

Sa lahat ng mga tumulong at sumuporta ay ipinaaabot na Director Atty. Virgilo Mendez ang taos-pusong pasasalamat.

Mahusay na customs collector ng POM at MICP
Isa sa magagaling na Customs Collector at talagang seryoso sa pagtatrabaho niya para makatulong sa tuwid na daan na ipinapatupad ni Pangulong Noynoy sa Customs ay si retired Major General at Customs collector Elmir Dela Cruz na tubong-Pangasinan.

Si MICP Collector Elmir Dela Cruz ay isa sa mga napili ni Pangulong Noynoy na pwedeng pumigil sa corruption sa ating bansa kaya naman naitalaga siya bilang isa sa mga Collector ng Bureau of Customs at hindi naman nagkamali ang ating Presidente. Malaking tulong si Dela Cruz kay BOC commissioner John Sevilla para magtagumpay ang repormang ginagawa nila sa Adwana.
Sa kasipagan ni Collector Dela Cruz ay marami ang humahanga sa kanya. Mahusay ang kanyang estratehiya kaya naman lahat ay sumusunod sa kanya para maging maayos ang trabaho.

Mahigpit rin niyang ipinatutupad ang No take Policy sa kanyang puerto.

Isa rin si POM Coll. Gen. Mario Mendoza, na malaki ang naitutulong ngayon sa collection ng customs at pagsugpo sa smuggling.
Puring-puri ng mga personero sa Port of Manila si Coll. Mendoza dahil sa mabilis at magandang proseso sa kanilang mga import entry.

Mabuhay kayo Coll. Elmir Dela Cruz at Coll. Mario Mendoza.

Keep up the good work!

Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …