Monday , December 23 2024

Coco Martin at Kim Chiu nakabuo ng friendship sa pagsasama nila sa master teleserye na “Ikaw Lamang”

kim chiu 102014 copyLAST Friday ay hindi lang kami ng Bfft kong si Pete Ampoloquio Jr, ang na-excite sa press visit para sa “Ikaw Lamang” sa Brgy. Immaculate Concepcion sa Cubao, na ipinag-imbita ng minamahal namin from ABS-CBN at head publicist ng Dreamscape Entertainment na si Eric John Salut.

Kundi maging ang mga kapwa entertainment columnist, blogger at photographers ay ganoon rin ang naging feeling lalo na’t dalawa sa bida ng nasabing Master Teleserye na sina Coco Martin at Kim Chiu ang makakaharap at makakausap namin noong araw na ‘yun.

Nang malaman ni Coco na nasa set na ang lahat ng press na majority ay close sa kanya, agad-agad siyang nagpakita at nagpaunlak ng picture taking. Very touching ang gesture ng aktor dahil talagang bineso niya ang lahat at niyakap pa isa-isa. Hindi talaga pinagbago ng panahon ang aktor kahit big star na at itinuturing na Hari ng Teleserye sa Primetime Bida ay nanatili siyang humble at very down to earth. Sobrang saya ang nangyari sa set visit namin dahil ipinuwesto kami ni Eric sa isang pagkalamig-lamig na tent at doon na namin na-interview si Coco at ang freshness leading-lady nito sa Ikaw Lamang na si Kim Chiu.

Humingi ng despensa si Eric na hindi makakasama sa interview si KC Concepcion dahil nasa isang unit ito sa Mandaluyong dahil doon kinukunan ang mga eksena ng magaling na actress.

Bungad tanong ng mga kasama kina Coco at Kim kung kumusta na sila ngayong one week na lang at magtatapos na ang kanilang teleserye na hindi lang consistent sa mataas na ratings kundi umani pa ng maraming papuri at laging trending sa internet. Parehong nagpasalamat ang dalawa sa lahat ng mga nagmahal at sumuporta sa kanilang show na since day one ay hindi sila iniwan o binitawan. Sabay kuwento sa mga pinagdaanan nilang hirap para maitawid ang mga character na ginagampanan.
Para kay Kim ay masaya siya na na-experience niya sa kanyang career ang gumanap na nanay sa serye. Noong una raw ay talagang kabado raw siya at baka hindi makasabay sa acting ni Coco na sobrang husay pagdating sa drama. Saka masyado raw siyang exhausted sa halos lahat ng scenes sa Book 1 kasi puro iyak siya rito. Mabuti na lang daw dito sa Book 2 ay ginawa nang light at naipakita niya ang kanyang kaalaman sa comedy side na pumatok sa mga manonood. Malaki talaga ang pasasalamat niya sa kanyang leading man dahil inalalayan siya nang todo sa kanilang mga eksena.

Kay Coco naman, “Siyempre unang-una, isa ito sa pinakamahirap na project na nagawa ko from the past kasi noong nag-present kami (book 2), nagkaroon ng rom-com (romantic comedy) at ‘yung mga panahong ‘yun ay nakakapit ako kay Kim kasi siyempre ‘yung may eksena kaming (light), si Kim kasi magaling siya, so, kumbaga nagpaalalay ako, siya ang nagdadala. And in terms of character, nahirapan din kami kasi iisang artista na, kami rin ‘yun na mag¬kaiba ‘yung character na kailangan mong bantayan ‘yung nuisances na nagawa mo sa past na hindi mo magagawa sa present.”

Dagdag niya, “Honestly, ako nahirapan kasi wala kaming enough time para mag-prepare or bumuo ng isang character kasi tulad ngayong araw, nagso-shooting kami ng present, kumbaga ganoon kasi dapat may preparation, dapat pati ‘yung looks, pagbitaw ng dialogues, pero sabi mo nga, minsan maraming bagay na hindi mape-perfect na hindi mo rin nababantayan kasi almost everyday kaming nagtatrabaho. Saka kami ni Kim, habang ginagawa namin itong soap na ‘to, sumi-sige pa kami sa ibang shooting sa Feng Shui, siya naman sa Past Tense,” tuloy-tuloy pang kuwento ng actor na gumaganap na Gabriel sa serye para sa mga eksenang bumabalik sa medyo action drama.

Ano naman kaya ang masasabi ng gwapong aktor kay Chinita Princess (Kim)? “Matagal din kaming hindi nagkakasama ni Kim. Ngayon sa tingin ko, ang lalim-lalim na ng pagtingin niya sa trabaho. Dati kasi sanay siya na laga-lagare. “Maopinyon kasi ako lalong-lalo na sa trabaho, ‘pag may nakikita ako na mas makatutulong o ikagaganda ng eksena, nagsa-suggest ako, si Kim that time tahimik lang, pero later on gano’n na rin siya at naisip niya na, ‘a open pala dito’ na kumbaga nakikita niyang nasa ikagaganda ng eksena, sabi nga mas daig ng maraming isip o utak ang isa. Kumbaga maganda ‘yung nagtutulungan kayo.”

Samantala hiningi namin ang reaction ni Coco sa nag-trending worldwide sa eksena na umiiyak siya (Gabriel) nang mamatay ang amang si Samuel played by Joel Torre na binaril ng kaaway nilang mag-ama na si Sen. Franco (Christopher de Leon). Paano niya naitawid ang eksena na base sa mga review, ang iyak niya, ang pinakamagaling na iyak ng actor sa telebisyon o pelikula? “Kumbaga nahinog ‘yung character at the same thing, alam ko ‘yung pinanggalingan kasi ako rin naman ‘yung gumanap sa past na Samuel. Kumbaga, kargadong-kargado ako sa trabaho,” sambit ng aktor.

Pagdating naman sa huling linggo ng kanilang serye at highlight nito ay abangan na lang daw ng lahat ng mga manonood. Kasi sila ni Kim, ang gusto nila happy ending at maging smooth ang lahat.

Say naman ni Kim, masaya siya at hindi lang kay Coco siya nakabuo ng friendship kundi sa buong cast rin. Sa sobrang close na nga raw nila na alam nilang magtatapos na sila sa ere at mami-miss nila ang isa’t isa minsan ay magkasama na sila sa iisang dressing room.

Sa October 24 na ang finale night ng “Ikaw Lamang.” Pagkatapos pala ng masayang chikahan sa dalawang star ng serye ay isang pagkasarap-sarap na dinner ang inihanda ng staff ng Dreamscape Entertainment para sa mga bisitang press.
Dreamscape ang bonggacious n’yo talaga gyud!

Peter Ledesma

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *