CONTRARY to earlier tabloid reports, hindi dalawang linggo kundi isang araw lang pala namalagi si Ai Ai de las Alas before she recently flew to Dubai for a show.
Through text message ay tinukoy niya ang culprit: Bell’s palsy. Totoong ngumiwi o tumabingi ang mukha ng komedyana, but no cause for alarm dahil she’s back in shape and—yes!—she’s in love again.
Tulad ng kanyang not so distant past lovelife, ilang taong mas bata na naman ang kanyang dyowa, 30 years her junior (Ai Ai turns golden this November 11 at 20 years old) na si Gerard Sibayan.
Personally, hindi na namin ikinagulat ang muling pagtibok ng puso ng aming barkada cum tropa. If we are to rewrite the Book of Genesis, mauubos ni Eba ang mga mansanas sa paraisong Eden, pero hindi mauubusan ng lalaking mamahalin si Ai Ai.
Pero agad niya kaming kinontra, ”Bakla, last na tala ‘to, pramis. ‘Yun din ang covenant ko kay Lord. Nakooo, may covenant pa raw akong nalalaman o! Hindi nga, puwera biro, bakla, sabi k okay Lord, kapag hindi nag-work ‘tong sa amin ni bagets, okey na kahit tumanda ako ng walang kasama sa buhay!”
Na kinontra rin namin. Una, maiintindihan naman siguro ni Lord kung hindi siya tutupad sa sinasabi niyang covenant. The more the Lord sees her happy, mas ikasisiya ‘yon ng loob ng Panginoon.
Ikalawa—and this does not only apply to Ai Ai—huwag tayong nagbibitaw ng mga salita with finality. Sa personal naming paniniwala, habang mayroon tayong pusong may kakayahang magmahal, hindi dapat tuldok o period ang kasunod, but rather ellipses that allow us to hold on to that beacon of hope na darating ang talagang para sa atin.
Eh, kung si Tita Boots Anson-Roa nga, nakatagpo pa ng life partner, ‘no! So will Ai Ai.
Pagbibigay-parangal ng PAO kay VP Binay, wala sanang halong politika
ADMITTEDLY, love namin si PAO (Public Attorneys Office) Chief Persida Rueda-Acosta, she’s one of us kasi whose heart goes out to the masses, lalo’t ang pinamumunuan niyang tanggapan ay mas kumikiling sa kapakanan ng mga socially marginalized na naghahangad ng hustisyang karapat-dapat para sa kanila.
Pasintabi lang muna kami, as this item may be taken out of context.
Medyo nagulat lang kami sa isang recent event na ginawaran ng PAO ng parangal si Vice President Jejomar Binay. Itinaon pa kasi ‘yon sa kasagsagan ng Senate investigation sa mga Binay, mula sa overpriced Makati City Hall parking building hanggang sa mga ekta-ektaryang ari-arian ng angkan na hindi deklarado, ayon na rin sa mga dokumento.
Although we see no direct connection between Binay and PAO in an attempt para pabanguhin ang bumabahong imahe ng VP, medyo nalito lang kami sa scenario.
PAO is under the Department of Justice (DOJ) na ang Kalihim ay si Leila de Lima. Ang latest, pinulong ni de Lima ang mga whistleblower na nagbunyag ng mga umano’y katiwalian ng mga Binay, even asking NBI to step in.
Sa direktiba ni de Lima at sa idinaos ng PAO bilang pagbibigay-pugay kay Binay, wala ba itong conflict? Personally, kaisa kami ng mga masang Pinoy sa paniniwalang Binay should come forward para ipagtanggol ang sarili’t mga kaanak sa patong-patong na paratang.
As for Atty. Acosta na love na love namin, sana’y ang parangal na ‘yon kay Binay ay walang bahid-politika, bagkus patuloy pa rin ang kanyang tanggapan sa mga makabuluhang gawain nito.
Ronnie Carrasco