Wednesday , December 25 2024

May Disiplina Ka Ba?

00 PALABAN GerryDo the thing you fear to do and keep on doing it… that is the quickest and surest way ever yet discovered to conquer fear. – Dale Carnegie

Bilang isang sundalo, maipagmamalaki ko ang disiplinang umiiral sa aming organisasyon, ang Armed Forces of the Philippines.

Sabihin man natin na isang konseptong na lamang ito sa kasalukuyang panahon na tila nagkakarehan sa bilis ang mga pagbabago sa lipunan, kaisipan, paniniwala at mga kalakaran sanhi ng modernong teknolohiya’t kaalaman, sa kailaliman ng aking pagkatao naniniwala pa rin ako sa importansya ng disiplina di lamang sa ating pansariling buhay kundi pati na rin sa ating lipunan.

Marahil marami ang magsasabi na ang katagang disiplina ay kaakibat ng pagtitiis, pagiging killjoy o di kaya deprivation. Katulad ng ano man na gusto natin makamtan, ang daan patungo sa ating hinahangad ay meron mga pagsubok at temtasyon. Dito natin nakikita ang kahalagahan ng disiplina sa ating sarili at sa ating lipunan.

***

Sa totoo lang, ang disiplina sa sarili ay isa sa pinakamahalaga at napaka useful skill na dapat meron ang bawat isa sa atin. Kailangan ito sa bawat aspeto ng ating buhay. Kaso kahit mas nakakarami ang naniniwala sa importansya nito, napakakonti naman ang may ginagawa para palakasin at palaguin ito.

Halimbawa na lang sa pilahan ng bus o jeep. Nakakainis tingnan na sa ganitong panahon nang sibilisasyon ay pinilipit pa rin tayong sumunod sa pila gamit ang mga barandilya. Sa mga terminal na wala nito, kanya kanyang unahan. Tuloy nagkakasikipan dahil hindi maayos ang pag akyat sa bus o jeep.

Ang side effect nito ay ang mga babae ay nahihipuan, nadudukutan, nawawalan ng gamit o di kaya nai-i-stress. Kahit pa maraming kawatan kung tayo ay pumipila, di sila makatiyempo para manloko. Tama po, di ba?

Isa lamang itong ehemplo ng epekto ng disiplina sa lipunan. Ayoko man maituring na sirang plaka pero totoo naman na kapag may disiplina ang bayan ay umuunlad. Di na tayo maglayo, andyan ang Olongapo at Marikina bilang ehemplo para sa lahat.

***

Sa self discipline nakukuha ang lakas loob na paninindigan sa sariling desisyon at tutukan ang mga ito na hindi nagbabago ang isip kaya ang disiplina ay isang importanteng pangangailangan sa pag abot ng mga pangarap, mithiin o ambisyon.

Ang taong may disiplina ay nakikitaan ng perseverance sa kanyang mga desisyon at plano hanggang makamit nila ito. Si Manny Pacquiao ay isang ehemplo na taong meron disiplina. Hindi siya ipinanganak na boxing champion agad. Sina Michael Jordan, Muhammad Ali at pati na sina James Yap o Alvin Patrimonio ay di rin ipinanganak na mga atleta. Pero dahil nagkaroon sila ng disiplina sa sarili maliit sa kanila ang kalahating milyon na kita buwan buwan.

Isa sa pangunahing characteristic ng mga ito ay ang abilidad na talikuran ang mga instant gratification at karangyaan bagkus pinaboran nila ang mga pananakit ng katawan para sa isang mas malaking kikitain. Binigyan nila ng effort at oras ang kanilang mga gusto para makuha ang kanilang ninanais makamtan sa buhay.

***

Sa totoo lang, kung sino pa yung disiplinado siya pa yung maligaya sa buhay. Isa lamang ito sa mga benepisyo ng pagkakaroon ng skill na ito.

Marami pang iba, katulad halimbawa ng pagkamit ng mga pangarap o goals sa buhay, pagkakaroon ng mataas na self esteem, mataas ng respeto mula sa kapwa, ang pagkakaroon ng impluwensya sa buhay ng iba, ang pagkakaroon ng greater success sa lahat na larangan ng buhay mo, at ang pinakaimportante ay ang pagkakaroon ng more rewarding at satisfying na buhay.

Ang disiplina ay isa sa mga pangunahing pagkakaiba na nagsesepara sa mga yung nagtatamasa ng successful at fulfilling na buhay kesa dun sa hindi.

***

Dahil ang indibidwal ay siyang pangunahing langis at makina ng lipunan, sa pamamagitan ng disiplina ay taas noon din natin na makakamit ang respeto ng ibang bansa. Magkakaroon din tayo ng impluwensya sa kanila. Titingalain tayo bilang isang lahi. At ang pinakaimportante ay sa sarili nating bansa nakakamit natin ang ating hangarin bilang isang nasyon.

Kaming mga sundalo, ipinako na naming ang sarili namin sa buhay disiplinado. Maliban sa mga personal gains namin katulad ng pagkakaroon ng medical facility para sa amin at sa kalusugan ng aming pamilya, loan facilities, higher learning at self esteem bilang tagapagtanggol ng bayan, ang pinakamalalim na kaligayan kung bakit namin sinusuong ang panganib at mga pagsasanay ay ang makitang malayo sa kapahamakan ang kapwa nating Pilipino.

And, mind you, ang effort na nation building ay hindi nakatoka lamang sa kasundaluhan. Bawat isa sa atin ay kinakailangang mag ambag. Lahat naman tayo ang makikinabang, di po ba?

Batiin ko nga pala ang aking mga kaibigang miyembro ng SAPODA Pedicab diyan sa Vinzon Place, Vito Cruz Manila na pinamumunuan ng magkapatid na sila Mr Carlos at Arman Lachica. Saludo ako sa inyong pagpupunyagi na makapaghanap buhay ng marangal para sa inyong pamilya.

 

Gerry Zamudio

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *