PATAY ang apat katao kabilang ang dalawang paslit, ang kanilang ama at lola sa naganap na sunog sa Brgy. 1, San Nicolas, Ilocos Norte kahapon ng madaling-araw.
Halos hindi na makilala ang bangkay ng 90-anyos na si Rosalina Capalunan, anak niyang si Inocensio, 60, at dalawang anak ni Inocensio na sina Myne John, 10, at BJ, 5.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nasa isang kwarto ang mga biktima nang maganap ang sunog.
Sinasabing bago matulog si Rosalina ay nagsisindi siya ng kandila sa altar para magdasal.
Posibleng nakatulugan ng mga biktima ang nakasindi pang kandila kaya hindi namalayan ang sunog. Bukod sa kanilang bahay, natupok din ang dalawa pang bahay.
ni BETH JULIAN