Monday , November 18 2024

Pagiging mahiyain ni Rachelle, nawala dahil sa Miss Saigon

 

101814 rachelle

00 fact sheet reggeeSOBRANG miss na miss ni Rachel Ann Go ang buong pamilya at mga kaibigang naiwan niya rito sa Pilipinas kaya naman nang alukin siya ng H & M clothing line na maging guest sa pagbubukas ng sangay nila rito sa Pilipinas ay hindi na nagdalawang-isip pa si Gigi ng Miss Saigon.

Kuwento ni Cynthia Roque ng Cornerstone Talent Management, “gusto niya libre ang pamasahe.

“Ipinanalangin niya na sana magkaroon siya ng show dito sa Pilipinas para raw makalibre siya ng pamasahe, ang mahal naman kasi. Eh, heto, biglang tinawagan kami ng H & M for their opening at si Rachel Ann nga ang gustong maging guest nila.

“Kaya tuwang-tuwa si Shin (palayaw ni Rachel) kasi nakalibre siya ng pamasahe.”

Sa madaliang pocket interview namin kay Rachel Ann sa Bella Ibarra Restaurant ay natanong siya kung ano-ano ang experience niya sa Miss Saigon.

“Experience ko sa ‘Miss Saigon’, well, unang-una, ang dami kong natutuhan, ‘yun nga nag-mature na rin ako as an artist and as a person. Seven months bilang mag-isa ako roon, ang daming naganap.

“Kabisadong-kabisado ko na ‘yung role ko bilang Gigi, at iniiba ko na ‘yung atake sa pagkanta, iniba ko na ‘yung acting ko, so natuto na akong mag-experiment din.

“Sa rehearsal din namin masyadong daring ‘yung suot ko, hindi ko alam paanong atake ang gagawin ko, hiyang-hiya ako, nandoon lang ako sa isang corner nanonood sa ibang kumakanta kasi sobrang sanay ‘yung ibang girls doon.

“So, roon siguro nakita ko ‘yung sarili ko kung paano sa role, nawala na rin ‘yung hiya ko wearing skimpy bikini, fearing to other people (nawala na), kasi mahiyain din akong makipag-usap, eh, so nawala,” pagkukuwento ng dalaga.

Hindi raw makakalimutan ni Rachel Ann na napasama siyang kumanta sa entablado kasama ang mga original cast ng Miss Saigon sa pangunguna ni Ms Lea Salonga na naka-dueto pa niya sa ginanap na 25th anniversary ng nasabing musical play.

“Ang sarap ng feeling, unang-una sobra akong grateful na naging part ako ng ‘Miss Saigon’, at naka-due ko nga si Ms Lea, hindi ko alam na nag-comment siya after, napanood ko lang ‘yung sa youtube malaking bagay ‘yun.

“Isa ako sa napili para gawin ‘yung ‘Movie In My Mind’ (musical play), so thankful ako kasi ang daming Pinoy na nagtsi-cheer,” pahayag ng dalaga.

At sa Twitter, youtube na lang daw nabasa at napanood lahat ni Rachel ang mamagandang feedback ng mapanood ang duet nila ni Lea sa ginanap na 25th anniversary ng Miss Saigon kaya nagpapasalamat siya sa suportang ibinigay sa kanya ng mga kababayan niya.

At sa pitong buwang pamamalagi ni Rachel Ann sa London ay marami raw siyang natutuhan pagdating sa gawaing bahay.

“Wala si mama sa tabi ko, mahirap talaga, pero ngayon, sobrang nag-e-enjoy na ako sa ginagawa ko, magaling na akong maglinis ng bahay, mag-laundry, kasi ako lang lahat walang ibang gagawa. Marami na akong alam na luto, kaya sa next presscon, ako na ang magke-cater,” natawang sabi nito.

At kahit na pagod na pagod daw si Rachel Ann pagdating niya ng bahay niya ay naglilinis pa rin siya at kapag day-off daw niya, “actually sa bahay lang ako, natutulog kasi wala ka naman masyadong mapupuntahan doon, ‘yung mall, tatlo lang tapos kung mamimili lang ganoon, ‘pag Sunday, church lang kasama ko ang mga beki friend, actually mas marami akong kaibigang beki. Ang ma-macho nila, pero mga beki, so wala ganoon,” masayang sabi ni Rachel.

Sa umpisa ay hindi pa nararamdaman ng dalaga ang sinasabing home sick kasi nga bisi-bisihan sila sa rehearsals at shows na inaabot ng walo hanggang siyam sa isang linggo.

Pero nang magkaroon na raw siya ng maluwag na oras at free day ay at saka niya naramdaman ang homesick at dito niya naalala ang pamilya.

Kaya naman noong dumating siya noong Lunes (Oktubre 13) ay talagang nasa bahay lang nila siya para makasama ang pamilya, “na-miss ko ang pagkain, ang luto ni mama, ninamnam ko ‘yung bahay.”

Sa tanong namin kung na-miss niya si Slater Young, “okay kami, nag-uusap kami ‘yun lang,” natawang sagot ng dalaga.

“Okay naman po kami, kumbaga anuman ‘yung napag-iwanan namin noon, tapos na ‘yun. Move forward, that’s it and be happy of whatever we have, so enough na,” katwiran ni Shin (palayaw niya).

As of now ay zero ang lovelife ni Rachel Ann at ito raw ang gusto niya dahil busy pa siya sa Miss Saigon at pakiramdam niya ay hindi rin niya maasikaso kung magkaroon man.

Bukod dito ay gusto munang tuparin ni Rachel ang pangarap niyang magkaroon ng sariling bahay, “plano kong magpagawa ng dream house ko, simple lang, siguro roon.”

Bumalik na ng London si Rachel at ang pamilya naman daw niya ang pupunta sa kanya sa Nobyembre.

“Goodluck, mapapanood nila ang suot ko, siguro ipipikit na lang nila ang mga mata nila, ha, ha, ha” natatatawang say ni Rachel Ann.

 

ni Reggee Bonoan

 

 

About hataw tabloid

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *