NATUWA naman kami kay The Voice Kids winner Lyca Gairanod sa maagang Pamasko niya dahil na turn-over na sa kanya noong Oktubre 15 ang napanalunang 2-storey house 40 square meters at fully furnished mula sa Camella Homes, Genereal Trias Cavite.
Bukod sa bahay at lupa ay nakatanggap din si Lyca ng P2-M bilang premyo at recording contract.
Ayon kay Lyca, sobrang tuwa niya kasama ang buong pamilya dahil wala na raw silang agam-agam sa tuwing may bagyo.
“Kasi po ‘pag may bagyo, lagi kaming nag-e-evacuate,” say ng batang singer.
Samantala, full pack naman ang ginanap na fans day ng The Voide Kids final 4 sa Glorietta Makati City na binubuo nina Lyca, Darren, Darlene, at Juan Karlos.
ni Reggee Bonoan